Kabanata 13
"Easy lang, Ryker. Baka matunaw na si Muriel." ani Brian na abala sa pagmamaneho. Nalihis ko ang tingin kay Ryker na nahuli kong umiwas ng tingin sa rear-view mirror.
My cheeks heated, hindi napigilan ang pag-ngiti.
"Luh, kinilig 'yung pepe ng pinsan namin." Matha said and giggled. Binalik ko ulit ang blankong ekspresyon at sinamaan siya ng tingin. Kahit kailan talaga ang bibig ng babaeng 'to.
Pauwi na kami pabalik sa LA. Pagkatapos ng party ay nanatili muna kami sa isang hotel na ang boyfriend ni Matha ang may-ari. Kaya libre ang lahat.
Lakas talaga ng pinsan ko.
Biglang pumasok sa isipan ko ang pangyayari kagabi sa pagitan namin ni Ryker. Ako ang humiwalay sa halik dahil hindi ako makahinga ng maayos, natawa pa nga siya tapos umulit pa.
Kung hindi ko pa siya sinikmuraan ay hindi siya titigil.
I glanced at Ryker to the rear-view mirror, he's smiling...showing his dimples on the right side of his cheek. Gusto kong kurutin 'yon dahil ang ganda sa paningin ko.
"Sige, magtitigan kayong dalawa. Hello, nandito kami, oh!" asik ni Julie at hinawi ang buhok sa mukha ko. Hinablot ko 'yon kaya napa-aray siya. We rolled our eyes to each other.
"Shut up," I said.
Nagsuot na lang ako ng earphones at nag-browse sa internet. Tinipa ko ang pangalan na Ryker Jett Lincoln sa Google Search and boom, maraming mga articles and websites about sa kanya.
Pasok siya sa Top 10 Most Brilliant Architecture in Asia. His rank is seventh. Nakita ko ang mga ambag niya halos ikanganga ko ang lahat na ng na-accomplish niya. May naipatayo na pala siyang skyscraper sa New York.
Wow, Ryker.
Marami pa akong nabasa sa kanya. Ryker is a Mid-Level Principal or Senior Vice President in his Architectural Firm. He's also one of the best Archi in the Team. Nagsimula siya sa kanyang trabaho sa edad na 26. One of the famous and owned a breakable record in Surfing. Hobby niya pala 'yon since teenage days nito.
I scrolled more about him, reading a lot of websites until I saw a picture of him with that woman I met in Police Station. Two years ago na ang picture. Naka-black tuxedo si Ryker at 'yung babae suot ay Nude Lace Fancy Evening Dress. Kung tutuusin ay iisipin mo na mag-asawa sila.
Bagay na bagay sila.
Hinayaan ko na lang 'yon. I turned off my cellphone. Nakinig na lang ng music, iniyuko ang ulo at pinikit ang mata. Hindi ko maiwasan mag-isip na baka ex niya ang babaeng 'yon o di kaya'y niligawan niya rin o baka nga ex wife niya. Para kasing matagal na ang relasyon nila isama mo pa si Karina.
Daming babae, ah.
I hate this feeling tha I kinda jealous of that woman.
Hinintay ko na lang na makarating kami sa Malibu. Kami ang una nilang hinatid bago sila magsi-uwian sa kani-kanilang lugar.
Pagdating namin ay hinintay ko ang pagbaba ni Julie bago ako bumaba at mabilis na kinuha ang maleta sa likuran. Hindi ko na muli sila nilingon at diretsong nilakad ang bahay.
May humila sa braso ko.
It was him.
Ang mga kamay niya at pumunta sa dalawang balikat ko. He bend down his body and look into my eyes.
"I know something is bothering you. What is it?"
I shook my head, smiled. "It's nothing, Ryker."
BINABASA MO ANG
Found Myself In You ✔
Romance[ TO BE PUBLISHED ] He painted her soul with the colors of the rainbow, and she cherished his heart with her painted soul. Muriel desires the true meaning of art. She put her half-life on it, but when it comes to romance stuff she doesn't even care...