Kabanata 5
"Hala! Si Ryker 'yan ah!" napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni Julie.
Kaagad kong sinarado ang sketch pad ko. Marahas ko siyang nilingon.
"Pwede ba?! Huwag kang mambibigla diyan!" hinawakan ko ang bandang puso ko. Shit! Ang bilis ng kabog nito. I gave her a death glare and she pouted.
"Hindi mo sinarado ang pintuan mo, eh kaagad na akong pumasok. Nakita pa nga kitang nakangiti habang ini-sketch mo si Ryker." pilyo siyang ngumiti.
Umiwas ako ng tingin. "H-Hindi, ah!"
Alas-dose na nang hatinggabi pero hindi pa ako dinadapuan ng antok. Kaya minabuti kong abalahin ang sarili ko sa pagguhit. Hindi ko naman napagtanto na si Ryker na pala ang iginuguhit ng mga kamay ko.
Ngayon na nakita ni Julie 'yon panigurado na sasabihin niya kay Matha ang tungkol dito.
I turned off the lamplight in my study table and walked towards my bed, holding my sketchpad. Julie followed me and she sits on the edge of the bed giving me a look of 'I-smell-something-fishy-insan'.
"Oh! Stop looking at me like that, Julie."
"Do you like Ryker, Muriel?" she asked.
"No. Bigla ko lang siya nai-drawing. Walang malisya ro'n." I said. Nilagay ko sa gilid ang sketch pad at bumaling kay Julie na may malaking ngiti.
"Ang saya mo kanina nang pumasok ka sa bahay. Yung ngiti mo nakakapanibago. Dahil ba kay Ryker?" tinaas-baba niya ang kilay.
I rolled my eyes to her.
"Hindi. Busog lang ako."
"Asus! Lokohin mo pepe mo, Muriel. Alam na alam ko na 'yang mga galawan na 'yan. Halata na gusto mo si Ryker. Hindi mo naman siya bigla maiguguhit diyan sa sketch pad mo kung hindi mo siya iniisip."
Tumahimik ako.
Wala pa naman akong nararamdaman na kakaiba. Masasabi ko lang na sumaya ang araw ko dahil sa lalaking 'yon, pero hindi ko siya gusto.
"I said I didn't like him. Ang kulit mo, Julie."
"Oh, sige. Mag-deny ka pa. Balang araw ay kakainin mo lahat ng sinabi mo. Baka nga mabilaukan ka pa." pagbabanta niya at tumawa pagkatapos.
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Wala sa plano ko ang mahulog sa lalaking 'yon.
We just met. I have to know him deeper before I can make a decision about my feelings for him. Malay mo, kinukuha niya lang ang loob ko tapos kapag umamin ako sa kanya na gusto ko din siya bigla niya akong iwan, iiyak ako, tapos siya magpapakasaya, and so on, and so on.
"By the way, barkada niyo sa college si Ryker di'ba?" I asked, she nods her head. "Paano kayo nagkakilala?"
"Ikaw ha..." sinundot-sundot nito ang tagiliran ko. Napapaigtad ang katawan ko kaya hinampas ko ang kamay nito.
"Nakilala lang din namin siya dahil sa boyfriend ni Matha, na same course ni Ryker sa Achitecture. Alam mo na 3rd year kami lumipat dito sa L.A, kaya wala din kami masyadong kaibigan. Buti na lang ay mabait ang jowa ni Matha at pinakilala kami sa mga tropa niya, na naging ka-tropa na namin hanggang ngayon." she said.
Tumango ako.
Ganon pala 'yon. Nagtataka lang kasi ako kung papaano nila naging kaibigan si Ryker, eh, Business Management ang kinuha nilang course habang si Ryker ay Architecture.
BINABASA MO ANG
Found Myself In You ✔
Romance[ TO BE PUBLISHED ] He painted her soul with the colors of the rainbow, and she cherished his heart with her painted soul. Muriel desires the true meaning of art. She put her half-life on it, but when it comes to romance stuff she doesn't even care...