Kabanata 19
"Ayoko sumakay diyan! Ikaw na lang!" Tulak ko sa kanya. Kinilabutan ako nang marinig ang sigawan ng mga tao na nakasakay doon sa Incredicoaster. Halos ilubog ko na ang paa dahil sa takot.
Hindi ko sinubukan kailanman ang sumakay sa mga gano'ng rides dito sa Disneyland. Kaya ko lang ay Carousel and Ferris Wheel but this one, oh no, I think I'm gonna die...early.
Inakbayan ako ni Ryker. "Nandito naman ako! Masaya 'to!" Aniya, pinisil ang aking pisngi. My knees started trembling because of nervousness. Mariin kong hinawakan ang kamay ni Ryker ng kami na ang susunod na sasakay.
"Ryker..." tawag ko sa kanya. Rinig ko ang mahinang tawa nito kaya hinampas ko siya sa braso. "Kapag ako talaga nahimatay dito, tangina ka."
"Nandito nga lang ako. Kapag nahimatay ka, edi dalhin kita sa hospital. Basic." pinakita niya pa sa akin ang basic sign at kumindat.
Walangya.
Ang mga crew ay kinabit na ang seatbelt namin. Mariin akong hinawakan ang over-the-shoulder restraints at tahimik na nagdasal. Hindi pa nga nagsisimula para na akong maiiyak sa takot at sa kaba.
Oh, god.A warm and big hand covered mine and intertwined our fingers. I looked at Ryker who's smiling like an idiot and it seems like he's having fun seeing me like this. I rolled my eyes to him and licked my lips, close my eyes, and internally screaming.
Nang maramdaman ang paggalaw nito. Mabilis akong kumapit sa braso ni Ryker at sumigaw-sigaw.
"Putangina! AHH!!"
Ryker chuckled. "Chill, wala pa!"
"Huwag kang patawa-AHH!!"
Dahan-dahan na itong umaakyat, Ang malamig na simoy ng hangin ay tumama sa aking mukha. Kinurot ko ang braso niya.
"Fuck."
"Fuck you too! Bakit ba kasi pumayag ako na sumakay di-AHHH!!!"
Diretso na itong bumaba sa mabilis na galaw na para akong uod na gumagalaw sa upuan ko. Wala segundo akong hindi sumigaw. Si Ryker ay tumatawa lang sa gilid ko, gusto ko siyang sumbatan kaso tanging sigaw lang ang nailalabas ng aking boses.
Pero sa kaloob-looban, pinapatay ko na siya ng mura.
"Hey, are you okay?" tanong nito. Nakababa na kami do'n sa putanginang nakakamatay ng puso na incredicoaster. Halos hindi ko na makayanan ang paglalakad, nakahawak siya sa aking beywang ang isa ay nasa siko ko.
Hindi ko siya sinagot. Hinahabol pa rin ang hininga at tulalang nakatingin sa kawalan.
Mas lalo lang ako nainis dahil sa naririnig na bungisngis sa kanya. I turn my head to him, giving him a death glares. He only shrugged his shoulders and kept smiling.
"Maupo ka na muna kaya."
Inalalayan ako nito paupo sa isang bench. Pagkatapos ay lumuhod sa akin. Inayos niya ang aking buhok na nagulo. Pagod ko lamang siyang tiningnan.
"Gago ka..." I mumbled.
Tumingin siya sa ibang direksyon at itinango ang ulo. Nilingon ko 'yon at nakita si Mr. Will na naglakad kung saan, binalik muli ang tingin kay Ryker na hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya.
"Tatlong rides pa lang ang nasasakyan natin. Maganda sana kung lahat."
Umiling ako. "Ikaw na lang. Ayoko na talaga..." mahinang sambit ko at ipinikit ang mata at yumuko. Gusto kong sumakay sa Ferris Wheel o di kaya'y sa Carousel, mas better pa 'yun kaysa sa sumakay pa kami ng iba pang rides na hindi ko kaya.
BINABASA MO ANG
Found Myself In You ✔
Romance[ TO BE PUBLISHED ] He painted her soul with the colors of the rainbow, and she cherished his heart with her painted soul. Muriel desires the true meaning of art. She put her half-life on it, but when it comes to romance stuff she doesn't even care...