Prolouge

125 5 10
                                    

"Good Morning!"

Napatigil ako sa pagpirma nang marinig ko ang pagbukas ng office door ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita r'on si Kianne, wearing her usual work attire. She's smiling while walking towards the sofa inside my office. Tinaasan ko siya ng kilay.

"I don't have an appointment," sabi ko nang maisip kung ano ang pakay niya.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya at umupo sa sofa.

"Ang aga mo yata ngayon, huh?" pagbabalewala niya sa sinabi ko. Napailing naman ako nagpatuloy sa ginagawa. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumayo siya at lumapit sa table ko.

"I'm just checking on you..." sabi niya nang makalapit. I looked at her. Nagkatinginan kami.

"Miss mo lang ako, e," sabi ko at inirapan siya.

"Of course, duh!" maarteng sabi niya pa.

I shook my head. "Hindi kita namiss."

"Wow, hindi naman masyadong masakit 'yon, Cesca," she dramatically said.

I chuckled at her response. She rolled her eyes. Lumapit pa siya sa table ko para makita ang ginagawa ko. Kumunot ang noo niya nang mabasa ang mga papeles na nasa harap ko.

"Wala akong naintindihan, ano 'yan?"

"The usual business stuffs," sagot ko naman. Napatingin uli ako sa kanya. "Why are you here, Kianne? Kung mambubulabog ka, layas na," pangtataboy ko sa kanya.

"Grabe ka, namiss nga kita 'di ba?"

"Gaga ka, nagkita lang tayo noong weekend," sabi ko naman.

"Ay, oo nga 'no?" tumingala pa siya na parang inaalala ang araw na 'yon. Napailing na lang ako.

"Don't you have a work?" I asked. Nagpatuloy uli ako sa ginagawa.

"May appointment ako mamaya sa isang client. Maaga pa kaya dumayo muna ako rito," sabi niya at bumalik uli sa sofa.

"Oh, bakit nandito yung hard hat ni Jom?" napaangat uli ako ng tingin. Hawak niya ang isang hard hat na kulay puti na pagmamay-ari ng lalaking 'yon. Nakita ko 'yon sa sofa kanina at napagtantong naiwan 'yon ni Jom noong bumisita siya kahapon.

"Naiwan niya. Nagmadaling umalis kahapon," sagot ko naman.

Tumango siya at ibinalik ang hard hat sa coffee table. Paniguradong kukunin naman 'yon ni Jom mamaya.

"Uh... Cesca," bumalik uli ang tingin ko kay Kianne. She bit her lip. Mukhang may gusto yata siyang sabihin. I knew it. Hindi 'yan pupunta rito ng walang dahilan.

"Spill it, Kianne,' sabi ko habang patuloy na inaasikaso ang mga dokumentong nasa harap ko.

"E, kasi...uh..."

Nag-angat ako ng tingin. I waited for her to continue.

She sighed and composed herself. Humarap uli siya saakin. "Do you remember Justice? Iyong classmate natin noong first year college?"

I blinked twice to process what she said. Yeah, Justice. I remembered him. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

"Well, uh... opening kasi ng cafe ng asawa niya mamaya... at ayon, he contacted me last night and told us to come..." dahan-dahang sabi niya. Nakuha ko agad ang sinabi niya. Hindi ako kumibo.

"Sama ka?" dagdag pa niya.

Nag-iwas ako ng tingin. I sighed and looked at the papers in front of me.

"Kung busy ka, okay lang naman. Hindi naman required."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, "Marami bang pupunta?" I asked.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now