Chapter 3: Transferee

3.7K 130 15
                                    


"Grabe bessy. Marunong ka palang magmartial Arts?" Naging interesadong tanong ni Peach nang ma i kwento ko sa kanya ang nangyari lastweek.



Ayun. Na hospital pala ang apat. Ngayon ko lang din nabalitaan. I'm sure magsusumbong yun pag di na naka un-conscious ang state. Buti nalang binuhay ko pa pasalamat sila.



"Oo tinuruan ako since elementary pa ako. Pinapasok ako nila mom sa Martial Arts School. Dun ako natutong makibakbakan Hahaha." Kwento ko with matching move pa sa kamay. 




Nagtaka kasi ang lahat kung bakit bigla nalang nahospital at di na nakapag aral ang apat na mga Gago-- Isa na dun yung Nathan na yun. So kinwento ko nalang kay Peach ang mga nangyari dahil bespren ko naman. Mapagkakatiwalaan ko to.




"So okay kana? Di kana heartbroken?" Bigla nalang sumipot sa kung saan itong si Jade. Nung last week di to pumasok eh. Apat na araw. Ewan namin kung napano.




Nabalitaan narin niya kasi ang nangyari tas eto inaasar ako. Wengya.



"Oo. Eh ikaw nagdate ba kayo ng Nililigawan mo kaya ka absent for Four Days?" Balik kong asar sa kanya.




Sinimangutan naman niya ako. "Ayss di pa nga eh. Oy busy ako non!" agad niyang salita. Psh. Napaghahalataan eh.





Hindi naman nagtagal tas unti-unti naring naghilom tong sugat ko. Charr lalim nun Haha. I mean wala na sakin yung Scene na yun. Tapos na at okay na ko ngayon.




"Teka asan pala si balks?" Balik tanong ni Jade.




Onga noh. Asan na kaya yun. Nandito na kami sa 1st Sub namin pero wala parin si Bakla.




"Na late lang siguro yun." salita naman ni Peach.




Buti nalang Wala si Ma'am sa Management namin. Kawawa si bakla pag nagkataon. Kasi sinasarhan na yung pinto pag time na.





"Goodmorning mga bessy!" Bigla nalang sumulpot si bakla sa pintuan. Speaking of bakla. Bakit ngayon lang to.



Pinagtinginan siya ng mga kaklase namin. Kung makasigaw ba naman kasi.



"Oh bakit klasmet, ngayon lang ba kayo nakakita ng Diyosa sa umaga?" Tawang-tawa naman kaming lahat dahil dun. Hanep. Sobrang gandang-ganda sa sarili.





Humagalpak agad sa tawa si Beryl Jade tas pinansingkitan siya ng mata ni bakla bago umupo sa tabi ni Jade.
Magka seatmate lang kasi kaming apat. Ako at si Peach tas si jade at bakla. Third to the last kami na row laging umuupo.



Ayaw namin sa harap, baka kasi  matawag kami agad sa recitation at pasagutin sa whiteboard. Mahirap na.





"Bakla bakit na late ka?" Agad na daldal ni Jade.





"Hayss na overtime yung beauty rest ko. Kaloka!" Sabay flip hair niya kahit di naman mahaba yung buhok Haha.





"Ayan kasi. Di ka naman kasi maganda. Buti nalang, ako gwapo." Haha feeling pogi din tong si Jade e. Pero sa totoo lang, maganda si Jade pag naging babae talaga.





"Excuse me, Pangit ka Tombz. Kaya nga di ka sinasagot ng nililigawan mo eh."





"Ouch naman nun." Sabay na sabi namin ni Peach at sabay narin na natawa. Mga kagaguhan talaga e noh.




Asar talo lang ang peg nila Haha.





"Oo na. Pero atleast di ako broken hearted. Di tulad ng iba diyan Hahaha."




 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon