Chapter 21: Second Night

2.1K 113 26
                                    


"Kamusta yung tulog natin, Shane?" Anang Jade habang nagse-serve ng tira ng badminton. Buti nalang hindi pala sila nagpatayan ni bakla kahapon. Nakahinga naman ako ng maluwag don. Kasalukuyang naglalaro kami ngayon. Nagdala pala si bakla ng Badminton kaya naisipan nalang naming maglaro dito sa Open-Field ng LH.


Mga pasado alas 9 na ng umaga. Tapos na kaming maligo kanina. Buti nalang, may shower dito sa mga restroom nila, madami pala yung CR nila dito. Mayaman nga naman. Kaya di kami nahirapang magkaniya-kaniyang ligo sa araw na ito. As usual, school uniform parin yung palda namin. Pero naka-tshirt nalang kami sa upper. Madumi na kasi yung pang-itaas na uniform namin kaya ayun. Tsaka di naman kami nahirapang labhan ang mga uniform namin dahil maraming tubig naman dito.



Wala nga palang pasok ngayon yung mga studyante ng LH. Two days Holiday daw sila. Kasi sinadya talaga yun ng Head nila para di sila ma-distract sa mga lesson nila habang nandito pa kami sa School nila. Naging sagabal pa ata kami sa klase nila.



Sumama na ulit samin si Peach. Kaya daw siya nawala kahapon kasi inaya siyang magcanteen nila Jam at Kyla kaya hindi na daw siya nakapagpaalam sa amin kasi bigla nalang siyang hinila paalis. Di naman kami galit sa kanya eh.




Ngayong araw na ito, ituturo at ipapakita na naman samin ni Sir. Mecabanua ang mga kung ano pang meron sa School nato. Pero mamaya nalang daw siya susulpot pagkatapos maglunch kasi busy pa daw siya ngayon kaya naintindihan naman namin yun. Teacher ba naman. Busy din ata yung Adviser namin. Kasi si Ma'am paggising namin kanina sa room, wala na siya. Kaya nagsilayas din kami sa room kasi boring tapos kaniya-kaniya kaming hanap ng malilibangan. Kaya nga eto kami ngayon, at naglalaro.



"Okay lang naman. Ikaw nakatulog ka ng maayos?" Balik tanong ko kay Jade tapos tinira pabalik sa kanya yung shottlekock. Nagche-cheer namang nagsi-upo lang sa green grass yung dalawa. Naghihintay kung kailan sila sasalang sa laro. Isang pair lang kasi ng badminton yung nadala ni Oliver. Mas maganda siguro yun kung lahat kaming apat nakakapaglaro ng sabay-sabay.



May mga kaklase din naman kaming nagsi-nood lang. Makikisali din sana sa laro namin kasi wala silang maisip na laruin. Edi maghintay sila.



"Di ako sanay na wala sa tabi ko si Mama eh. Yan tuloy di ako masyadong nakatulog." sagot naman niya habang ngumunguso pa. Haha sana pala sumama na lang siya nung umuwi yung mga grade 7 at 8 kahapon. Tabi kasi kaming natulog sa room. Girls yung nasa right side habang boys naman yung nasa left sife. Hindi pwedeng magtabi yung lalaki at babae kasi mahigpit na utos ni Ma'am. Dun din naman natulog si Ma'am kaya walang nangyaring tabihan. Lalo pa't may mga magjowa sa kaklase ko.



Yung kagabi naman, Ayts naalala ko na naman. Pagkatapos kong samahan siya kagabi, pasimple ko siyang kinuhaan ng picture tapos magkasabay na kaming bumalik ng classroom. Parang di man lang nagreact si Ma'am at yung mga kaklase ko na kasama ko si Cassidy. Wala nga pala silang alam na wala siya kahapon at mukang wala naman silang pake kahit may nawawala na. Habang yung tatlo naman, panay yung tanong sakin kung san daw ako nanggaling, eh gabi na. Siyempre, sumagot ako na nagpahangin lang sa labas. Mukang naniwala naman. Nagpakain ulit yung School nila kagabi bilang hapunan namin. Buti nalang hindi na nawala si Cassidy.




Nagsi-higa na kami sa mga foam nun, halatang ayaw ni Cassidy na makisiksik sa foam pero wala na siyang nagawa kasi wala siyang choice eh. Nahiga narin siya sa tabi ng mga kaklase ko. Di kami magkatabi kasi by surname yung higa. Hindi ko na siya mababantayan. Ako yung pinakaunang nakahiga eh kasi Alonzo ako. Di rin nagtagal, nakatulog na ako at nung mag-liwanag na yung araw, siya kaagad ang tinignan ko kaso wala na siya! Ulit.



 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon