Chapter 27: Tease

1.9K 91 11
                                    


"Hoy! Ano yun kanina? Anong nangyari?" Nasa classroom na kami ngayon. Wala pala yung guro namin sa First Sub ngayong hapon kaya malaya na naman kami ditong makipagdaldalan.




"Wala Jade." Sagot ko tapos itinuon sa arm-chair ang tingin ko. Pagkatapos ng nangyari kanina, usap-usapan na ako sa lahat dito sa School pati narin si Amber at ang nakaaway nito, na si Cassidy. Wala nga pala ngayon si Cassidy. Nakapagtataka lang, bigla-bigla nalang talagang nawawala ang babaeng yun.






"Bessy! Really tinulungan ka ni Cassidy laban sa Amber na yun?" Kulit din nitong si Oliver eh. Kanina ko pa nga sinasabing 'Oo' kasi totoo namang tinulungan niya ako pero ayoko lang ikwento sa kanila yung buong pangyayari kanina. Di ko na din sinabeng pinagtripan ng Witch ang bag ko. Buti nalang may panyo ako at iyon ang pinampahid ko sa bag ko. Nawala naman kahit papano ang dumi. Buti nalang din hindi karamihan ang dinala kong gamit pang School kaya wala namang naging problema don.





"Yeah." Tanging sagot ko nalang. Di pa din kasi mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. Tuwing naiisip ko ang Witch nayun, kumukulo ang dugo ko. Palagi siyang naghahanap ng away. Kulang ata sa pansin yun. Tss.






"Yieeee!" Agad akong napatingin kay Jade. Problema nito? Sinundot-sundot niya ako sa tagiliran. "Ang swerte mo naman Shane. Yiii. Sanaol." Kaloka. Anong pinagsasabi niya? Taka ko siyang tinignan. "Slow? Ang swerte mo dahil dalawang goddes ang nag-away dahil sayo. HAHA." Tae.





Asar naman siyang binatukan ni Peach.
"Wag mo ngang idamay si Shane sa mga kalokohan mo. Tsaka nagkataon lang naman siguro na andun si Shane kaya nadamay siya sa away ng dalawa. Diba Bessy?" Binalingan ako ni Peach. Bigla naman akong napaiwas ng tingin. Guilty? Hindi naman. Kung alam mo lang Peach na ako yung dahilan ng gulong yon.






"Okay fine! Nagsasabi lang naman eh. Makabatok ka naman diyan. Bakla, masahiin mo nga balikat ko. Bilis." Nagkatanginan nalang kami ni Peach. Hayp kung makautos ah. Pero napanganga nalang kami nang ginawa nga ni bakla ang utos sa kaniya ni Jade. Totoo ba to? Alipin na ba si Oliver ngayon?






"Kailan ka pa naging alipin ni Jade, bakla?" Anang Peach. Maski ako nagtataka narin sa dalawang to. Pero imbes na si Oliver ang sumagot, yung isa nalang.






"Ah. Ganito kasi yon, nagpustahan ulit kami kanina na kung sino makakaubos ng unang pagkain, gagawin ang kahit ano mang utos. Kaya ayun eto yung kapalit, dapat niya akong pagsilbihan. Tsaka ngayong araw lang naman ito. Bukas iba naman ipapagawa ko." Ngiting wagas ni Jade habang prenteng nakasandal sa upuan at minamasahe siya ni bakla. Halata namang napilitan lang si Oliver sa ginagawa nito. Kawawa talaga si bakla kay Jade
Napailing nalang kami ni Peach. Mga kagaguhan talaga nila.






"Guys, may aaminin ako sa inyo." Bigla nalang salita ni Peach. Natigil naman ang dalawa at inaantay namin ang sasabihin niya.






"OMG!  Buntis ka bessy?" Agad na reaksiyon ni bakla. Buti nalang kamo mahina lang boses niya.






"Magiging ninang na kami?" Anang Jade naman. Pambihira tong mga to.







"Mga baliw kayo. Pag u-untugin ko yang mga ulo niyo eh. Inunahan pa ako. O sige, kayo nalang magsalita. Nahiya naman ako diba. Sige na." Anang Peach na nakapagtahimik sa dalawa.






"Sabi ko nga, ikaw na. Ano ba yun?" Jade.






"Hehe sorry Bessy. Ano yung ichichika mo? Dalian mo na sis. Di na ako makapag antay Gosh." Bakla.






 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon