Chapter 12: Her Secret Side

2.2K 105 20
                                    


Kanina pa ako nakaupo dito sa panglimahang tao na sofa nila. Pinakain na ako kanina ng mga maid sa mesa. Tumanggi na ako eh kasi ayoko. Pero pinilit ako nila kasi papagalitan daw sila ng amo nila pag di nila ako inasikaso. Naawa naman ako so kumain nalang ako. Iba't-ibang putahe yung hinanda nila. Grabe, busog na busog na ako kasi pinaubos sakin yung inihain nilang niluto sa mesa. Marami pa naman daw na natira dun sa mga mangkok na pinaglutuan nila kaya wag daw akong mag-alala. Inaalala ko kasi si Cassidy, ako pa yung unang kumain dito imbes na yung Senyorita nila.



Sobrang di naman makapal mukha ko para di mahiya noh? Siyempre hiyang-hiya ako Shittt.



Ilang sandali pa, sa wakas bumaba narin yung inaantay ko. Nakapansimpleng pajama lang siya tapos terno pa yung blouse niya. Di ko maiwasang matawa sa isip ko. Doraemon kasi yung design HAHA. Sa isip lang ako pwedeng tumawa, lagot kasi ako pag nakita niya kong tinatawanan siya. Baka ipasuka pa sakin yung mga kinain ko. Tapos palayasin pa ako dito. Ayokong mangyari yun hanggat di pa kami nakakagawa ng report namin sa P.E.



"Are you done eating?" Kapagkuwan na tanong niya. Nasa harapan ko na pala siya.



Tumango naman ako.



"I'll eat first. Join me."



Teka, Kakain na naman? Busog na busog pa ako. Naku naman.




"H-Ha? Naku hindi na. Busog na ako. Sobra pa nga." Reklamo ko. Balak niya ba akong palobohin? "Gagawa nalang ako ng unang Visuals natin. May mga Cartolina kaba or Manila Paper? Marker lang kasi yung dala ko eh." Pag-iiba ko sa usapan para makalusot.



"Hai."



"Okay. Nasan ang mga yun?" Medyo natigilan pa siya dahil siguro di niya alam na alam ko na meaning nun. Haha kala mo ah. Salamat kay Bakla.




"In my bedroom." Kapagkuwan na sagot niya. Ayshit, bakit nasa kwarto pa niya. Nakakahiya namang pumunta dun.




"Ah sige. Hihintayin nalang ulit kita dito. Mamaya nalang tayo magsisimula, pagkatapos mo." sabi ko nalang.




"No. You should eat again. Eat with me. I never take No for an answer."



*Gulp



Mukang mapapasabak na naman ako sa pagkain.





++++++++++


"So, ako nalang din magsusulat sa part nato. Tapos ikaw na dito ha." Pagsisimula ko habang nasa kwarto niya kami at nasa Study table niya kami. Nagsusulat ako ng report. Kung sana pinapa- powerpoint nalang ni Ma'am eh sa projector, edi sana sa loptop nalang ako nagtype. Di pa hassle. Kaso, literal na sulat-kamay daw na Visuals ang kailangan ni Ma'am.




Napakalawak ng kwarto niya. Parang pinagkaisa na dalawang kwarto. Tapos maaliwalas tingnan at yung theme pa ng kwarto niya ay skyblue at pink. May mga designs pa na Hello kitty at Doraemon sa wall niya. Ang Cute lang. Haha. Mahilig pala siya sa mga Cartoons. Tapos yung mga kagamitan niya pa dito parang mga mamahalin. Mayaman talaga.



Napako pa yung tingin ko dun sa pangloob na magkapair na tsinelas niya. Hello kitty tapos Doraemon parin. Pinahiram sakin yung hello kitty pero di ko sinuot kasi ayoko, nakakahiya. Pero dahil bawal daw magpaa dito sa kwarto niya, kinuha ko nalang habang suot naman niya ay yung katerno ng damit niya, Yung Doraemon na slippers. Haha. Tapos di lang dito nagtatapos dahil may mga stufftoys din siya sa bedside table niya. At halos lahat dun ay mga We bare bears. Ngayon, mukang alam ko na yung mga paborito niyang cartoons Haha.




 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon