Chapter 32: Hang out

1.5K 79 11
                                    


Nasa Com-Lab kami ngayon. First Sub kasi namin for this afternoon ay ang Empowerment Technology. Sa computer kami nagqu-Quiz at nag a- Activities lagi sa subject na ito.


Pagkagawa namin sa Activity na binigay ni Ma'am, tungkol yun sa hyperlink, ay umalis muna siya dahil daw may gagawin siyang importante. Naiwan kami sa room niya. Daldalan as always.


Kung sinu-swerte ka nga naman, ka-Table pa namin si Kirei pati na yung dalawa. Busy kami sa pagpindot-pindot sa mga computer namin. Ang iba pa nga, naglog-in na sa mga Fb acc nila, IG, Twitter, pang social media account tas ang iba naman, nagyoutube na din. Aba, buti nalang wala yung teacher namin.


"Guys!" Bigla nalang sumulpot si Pres sa pinto, galing ata sa SSG office. "Wala na daw tayong pasok pagkatapos nito dahil may meeting ang mga Snr. High Teache--" Di pa man niya natatapos ng tuluyan ang kaniyang anunsiyo eh agad nang nagsireact ang mga kaklase namin.


"Yessssss!"

"Yahooo. Talagaaaa?"

"Good news yaaaan!"

"Salamat naman. Tara na!"

"Ayos. Uwian naaaa!



At ayun, kaniya-kaniya na silang sibat papalabas ng room. Aba't mga hyper lang?


Kaunti nalang kaming naiwan dito sa loob. Tatayo narin sana kaming tatlo nang magsalita si Kirei.


"Hey guys! Tutal there's no pasok naman mamaya. Let's hang out! I was thinking to watch a movie later. Do you wanna come?" Aba, may gana pa atang magsine ngayon, eh gusto ko nang makauwi, Psh. Kami yung tinatanong niya. Alam ko namang hindi papayag sila Pea--


"Okay! Sama kami." What the? Di ako makapaniwalang napatingin kay Peach. Nakangiti lang ito habang nakatingin kila Kirei. Si Jade naman halatang di na nagulat. Napunta na naman kasi yung tingin niya sa magkahawak na kamay nina bakla at Kirei.


"Great! 3pm. At the Mall. So see you later?" Anang Kirei parin. Bored lang naman na nakatayo sila Cass at yung Deyn sa gilid niya. Actually, parang tumitingin sakin kanina si Cassidy or ako lang yun?



"Ay teka! Pwede ba kaming magsama ng kaibigan?" Peach. Huh, sino namang ibang isasama pa namin?



"Oh sure. Not a problem. We gotta go na. Ciao. Bye mylabs! Bye bestfriends! " Humalik siya agad sa pisngi ni bakla na siyang ikinagulat ng isa. Ngumiti lang naman siya samin at tumalikod na. Nakakawalang gana talaga yung tawag niya samin. Seriously bestfriends? Aba, feeling close na siya ah.



Hinigit niya narin sila Cassidy palabas ng room. Naiwan si bakla kasama namin. Nasabi kasi ni bakla, na samin muna siya sasama sa ngayon. Medyo napapatingin naman si bakla kay Jade na nasa tabi ni Peach. Badtrip lang naman yung mukha ni Jade at parang ayaw munang makausap si bakla. Tinry ni Oliver lapitan ata si Jade para makausap pero agad nang nagtungo si Jade sa pinto.



"Geh. Uwi narin ako." sabi niya at ni hindi man lang kami nilingon. Teka, umiiwas ba siya kay bakla? Aba naman tong babaeng to. May galit ata sa isa.


"Sabay na kaya tayong lumabas, Jade." Salita ni Peach.


"Wag na. Una nalang ako." Anang Jade.

 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon