Chapter 31: Boyfriend?

1.8K 83 8
                                    


Tuesday. Nasa room na ako ngayon. Napapansin ko na lately na palagi na akong maaga kung pumasok dito sa School. Siyempre, alangan namang palagi nalang akong late hanggang matapos ang School Year? Siyempre, hindi. Pero pagtingin ko kanina sa may Oval, nasa itaas na ng Pole ang Flag. So it means, tapos na ang F.C. Aish, di na pala ako nakapag Flag Ceremony. Ang aga mo nga talaga, Shane. Sobra.


Nakaupo na ako sa upuan ko. Tinignan ko yung mga upuan na katabi ko. Bakante pa yung upuan ni bakla at Jade. At ang tanging nandito lang ay si Peach. Luh, asan kaya yung dalawa? Wag mong sabihing late sila? Pero buti nalang din wala pa ang teacher namin dahil madalas late din yon.


"Peach, wala pa sila Jade?" Tanong ko sa katabi ko. May ginagawa pa kasi. Mukang nagsusulat na naman ata ng Diary niya. Nakakapagtaka lang na ma-late yun si Beryl eh laging maaga yun pumasok.



"Obvious ba, Shane?" Sagot niya tas binalik ulit yung atensyon niya sa sinusulat niya. Aba, nagtatanong lang eh. Napaka prangka talaga. "Wala pa sila. Nakakapagtaka noh. Ganun nalang siguro ka heartbroken si Jade para ma-late ngayon." Dagdag pa niya dahilan para matawa ako. Haha, loko din to eh. Natawa din naman siya at bumalik na sa pagsusulat.



Inilibot ko nalang yung tingin ko sa mga kaklase ko. Wala pa dito yung mga Japanese na Transferee. At wala din SIYA. Ayts, Paki ko ba dun. Wag ko na nga lang isipin yon.



Napatingin ako sa may pinto, may pumasok kasi. Yung dalawang nakakapang-init ng ulo pala. Nakaakbay pa sa kanya yung unggoy--este yung Deyn. Aish! Ang Aga-aga, ang sakit nila sa mata.



Di ko alam na napatingin na din pala siya sakin kaya naman mabilis ko nang iniwas yung tingin ko. Baka mag-assume pa to na siya yung tinitignan ko. Psh. Eh yung pinto lang naman.



As expected, kaniya-kaniya nang bulungan ang mga kaklase ko. Pano ba naman, kung di lang naman Tanga, masyado silang PDA. Pero rinig ko naman ang iba sa kaklase ko ay mukang kinikilig pa sa nakikita nila. Pambihira.



Nakita ko pang tinanggal ni Cassidy yung kamay nung Deyn sa balikat niya. Aba, ngayon pa nahiya. Tas as usual, poker face at parang badtrip na naunang maglakad papunta sa upuan niya. Sumunod naman yung Deyn. Winaglit ko nalang sila sa isip ko.



Ilang sandali pa, natanaw narin namin si bakla sa labas. Buti naman at pumasok to. Sakto, para makausap narin namin ni Peach. Kakausapin lang namin. Di na namin nakausap to kahapon eh kasi laging nakabantay yung girlpren niyang si Kirei. Napaka talaga ng babaeng yun.



Nasa may pinto na si Oliver nang huminto siya at kumaway samin, nakangiti siya at binati niya kaming dalawa ni Peach ng 'Goodmorning' kaya bumati na din kami pabalik. Sinenyasan namin siyang pumasok na dito sa loob. Napatingin naman siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Peach, upuan ni Jade. Agad na nawala yung ngiti niya nang makitang wala pa yung isa. Churr nalungkot ata si bakla Haha. Pero, parang may nag-iba sa kanya ngayon. Lalakad na sana siya para tuluyang pumasok sa loob nang may pumigil sa kamay niya.




"Mylabss. Ohayo gozaimasu!" Ngiting bati nung Kirei. Aba! Halos magkasabay lang sila ah. Di kaya magkasabay talaga to sila papunta dito? Luh. "Hindi mo ko hinintay. I keep calling your name since kanina sa hallway but it looks like you didn't hear me." Dagdag pa niya at paawa effect na nakatingin kay Oliver. Hindi naman agad nakakibo si bakla. "Imissyou!" Akmang hahalikan niya si Oliver sa lips pero mukang natauhan si bakla at lumayo agad sa kanya. Aba, babae pa talaga mag initiate ng kiss? Iba den.




 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon