Chapter 15: Fridate?

2.1K 107 21
                                    


Maaga kaming pinalabas sa 3rd period namin this morning kaya may oras pa kaming magsulat ng mga notes. Di kasi kami kahapon nakatapos sa pagkopya, dahil na nga sa pinatawag kami sa guidance na it turned out na mali naman pala yung counselor. Palibhasa kinakampihan yung anak niyang maldita. Nevermind na nga yun. Kahit di pa rin naalis ang issue kahapon sa mga bibig ng kaklase namin, di nalang kami nangialam at hinayaan nalang ang mga ito. Buhay na nila yun. Isipin nila yung gusto nilang isipin. Lilipas din naman yun.



Ayun na nga, buti nalang may kopya tong si Peach dahil nagpasend lang naman siya ng pictures ng mga notes galing kay Pres. Iba din.



Kaya ngayon, tapos na din akong magkopya. At itong dalawa namang nasa harap namin ay di pa tapos. Ang ba-bagal kasing magsulat. Nasa Library nga pala kami ngayon. Buti nalang lumabas muna yung librarian. Kaya pwede kaming mag-ingay.




"Ano to Oliver? Ano ba namang klaseng sulat to, di ko maintindihan!" Anang Beryl na kumokopya kay bakla.




Dahil dun, binalingan siya ng masamang tingin ni Oliver.
"Wow ah. Ikaw na nga lang yung kumokopya, nagrereklamo ka pa?" Inikutan pa niya ito ng mata. Natawa nalang kami ni Peach.




Sa totoo lang, di naman magulo or pangit yung hand penmanship ni bakla eh. Sadyang OA lang si Beryl. Balik bangayan na naman sila.




"Hindi ako magrereklamo kung inayos mo lang yung pagsusulat! Tingnan mo oh. Ni hindi ko nga masyadong mabasa yung mga sulat mo." Panay pa rin yung reklamo ng isa. Inirapan niya din si bakla tapos bumaling siya kay Peach. "Pahiram ako ng notebook mo, Secretary. Sayo nalang ako kokopya. Buti pa yung sulat mo, kaaya-aya pang tingnan, di tulad ng sulat ng katabi ko at pati na yung nagsulat." Di pa man nakakasagot si Peach eh kinuha na niya agad. Haypp Haha.




"Hoy Tombz! Anong sabi mo?" Ayan na naman tong dalawang to. Balik asaran na naman.





"Wala. Mamaya ha, bibigyan mo ulit ng bulaklak at chocolate si crush ko." Anang Beryl na nagkokopya parin sa notebook ni Peach. Di na siya nag-abala pang tingnan si bakla.




"No way!" Parang bumalik yung pagka-lugmok ng mukha ni Bakla.





Napangisi naman si Jade.
"Yes way!"





"Bilisan niyo na nga diyan. Malapit nang magtime para sa last period natin ngayon." Saway ni Peach sa dalawa. Oo nga, palibhasa kasi inuuna pa yung daldalan.





Tuluyan naring kinuha ni bakla yung notebook ko. Sakin kasi siya nakikikopya.



Ayun, tumahimik na ang dalawa at nagfocus nalang sa pagsusulat.




"Shane?"



Napaangat ako ng tingin nang banggitin ni Peach yung pangalan ko.





"Oh?" Naghihintay ako ng sasabihin niya.




"Sasabihin ko sana sayo to kahapon or sa inyo pero di pa kasi ako sure kung dapat ko bang ibahagi to sa inyo pero ngayon, ibabahagi ko na.." Huh. Ano naman kaya yun? "May times kasi na nakikita ko si Cassidy na papunta dun sa building ng Principal's Office tapos mukhang nagtatagal pa siya dun. Bakit kaya?" Luh? Pareho pala kami ng napapansin.





Umiling lang ako bilang sagot.
"Di ko din alam."





"Kasi diba, di naman siya inuutusan ng mga teachers if may kailangang ibigay dun sa Principal at mukhang wala naman siyang ginagawang kasalanan para ireport siya dun sa Principal's office. Eh bakit siya palaging pumupunta dun?" Oo nga noh. Palaisipan din sakin yun. Bakit nga ba? "Tapos eto pa ah. Napapansin mo rin ba na never pa siya nating nakitang kumakain sa Canteen?" Hala oo nga noh. Saan kaya yun pala-Lunch.





 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon