Chapter 28: Gala

1.8K 92 15
                                    

Sabado. Wala akong ginawa kundi maglinis ng room ko. Although malinis naman ito pero wala kasi akong magawa kaya naglinis nalang ako tsaka naglaundry narin.

Nakahawak sa cellphone, inopen ko ang tv tapos mag-isang nanood. Well, ako lang naman talaga ang nandito Haha. Walang magandang palabas pero boring kasi eh. Nanood nalang ako ng Oggie and the cockroaches. Di ako mahilig ng mga ganitong klaseng palabas pero mukhang nasasanay nalang rin ako.

Nag-open ako ng account ko sa Facebook. Sakto namang nagchat pala si Jade sa GC naming apat.

|Barbie and the 3 Musketeers|

Musketeerblue: 'Guys. BORINGGGGG.'

Barbie: 'Yeah.'

Musketeerviolet: 'Sinabi mo pa, Jade.'

Hindi paman ako nakakapagreply pero nag message ulit si Beryl.

Musketeerblue: 'Gala tayooooo?!'

Barbie: 'Where?'

Musketeerblue: 'Sa puso mo. HAHAHA.'

Natawa naman ako sa nireply ni Jade. Aba! Bumabanat na pala to kay bakla. Siguro na fall nato Haha. Alam kong pati si Peach natatawa narin ngayon.

Barbie: 'Ewz. Siraulo.'

Haha. If I know, kinilig na rin to si bakla.

Musketeerblue: 'Joke lang. Asa ka namang totoo yun. HAHAHA.'

Barbie: 'Whatever.' Haha. Nabadtrip ata si bakla?

Musketeerblue: 'Hoy Peach at Shane! Ang lakas niyong mangseen ah.' Napansin na pala niya na di kami nagrereply. Pfft.

Musketeerviolet: 'Ay sorry, Jade. Ayaw lang naman namin sirain ang moment niyo ni bakla.' Haha. Loko din talaga to si Peach eh.

Musketeergreen: 'Oo nga. Mukang nakakaistorbo lang kami sa inyo eh. ' Sinabayan ko nalang din sa pangti-trip si Peach Haha. Well half-true din naman ang sinabe ko.

Barbie: 'What the!'

Musketeerblue: 'Mga Sira! Gala nga tayo sa Mall. Ano na?' Haha Sows. Change topic agad.

Nagmessage nalang rin ako.

Musketeergreen: 'Sige.' Tamang-tama. Boring kasi. Buti nalang at nag-aya ng lakad tong si Jade.

Musketeerviolet: 'Okay. May bibilhin nga din pala akong libro ngayon.'

Musketeerblue: 'Ayos! Hoy bakla andiyan ka pa? Ano na. Makakasama ka?' Nakapagtataka nga pala na tumahimik lang si Oliver.

Barbie: 'Of course. Nakakamatay kaya ang boredom, sis.' Okay? Haha buti naman andiyan pa pala.

Musketeerblue: 'Sigeeee. Sabay na kayo sakin. Papahatid ako sa driver namin. Dadaanan ko nalang kayo mga hangal.' Haha Yeah. Alam niya kung saan kami nakatira.

 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon