Chapter 11: The Visit

2.1K 95 12
                                    


Martes. Kalat ngayon yung usap-usapan nung hinatid ako ni Joshua sa classroom. Tae, ewan ko kung sino yung mga nagkalat ng balitang yun. Yun siguro yung mga studyanteng nakakita samin.


"Yiiieee bessy. Kayo na ba ni Joshua?" Anang Peach.


"Traydor ka Shane. Ba't di mo to sinabe samin? Kala ko ba walang lihiman?" Jade.


"Type ko pa naman si Joshua bessy. Ba't mo inagaw sakin Huhu." Naiiyak pang acting ni bakla.



Ngayon inaasar na ako ng tatlo. Ito na nga ba yung sinasabi ko eh. Kaasar.



"Ilang beses ko bang sabihihin sa inyo na Hindi nga kami. Hinatid niya lang ako nun sa classroom ko." Nakakabagot na sagot ko. Pambihira eh, kanina pa ako inaasar-asar ng mga to.


"Wehhhh?" Jade.



"Really bessy?" Lumiwanag na yung mukha ng bakla. Broken siya kay Bryan, ngayon si Josh naman ang pagdidiskatsihan.


Asar akong tumango. Muka ba akong nagsisinungaling dito?


"Bessy, Di naman kami galit if kayo nga ni Joshua kasi Single ka, mukhang single din naman siya kahit mukang babaero nga lang." Anang Peach na ikina-bagot ko pa pala. Ba't ayaw maniwala ng mga to. Nakaka fraustrate.


"Edi bahala kayo kung ayaw niyong maniwala. Makaalis na nga." Asar akong tumayo at nagsimula nang maglakad. Nasa  may oval kami. Umuupo kami sa isa sa mga bench dito habang nanonood ng P.E exercise ng mga Jnr. High.
Galing kami sa canteen kanina, nag snacks. 10:30 palang kasi. Tapos kumalam bigla sikmura namin tapos patay-gutom pa tong mga kasama ko kaya ayun, nakakain kami ng wala sa oras. Time na sana ngayon ng Last Period namin ngayong umaga pero dahil may meeting yung mga Teachers, wala kaming matinong klase.


"Hep! Hep! Wag kang umalis." Nang di pa man ako nakakahakbang palayo sa kanila, eh hinila na ako ni Peach dahilan para mapaupo ako ulit. Ano ba naman to. Gusto ko na ngang makaalis eh. Hindi na ako magpapaliwanag sa kanila. Ano pang point nun eh ayaw naman nilang maniwala sa sinabi ko.


"Oy! Guys tingnan niyo oh."


Nalipat kay Beryl yung atensyon naming tatlo. Malawak yung ngiti niya habang may tinuturo dun sa field. Sinundan naman namin yung tinuturo niya.



"Ayun siya! Yiiii andun si crush ko. Hahaha. Meant to be talaga kami." dagdag pa niya nung makita niya lang naman yung Jnr. High niyang crush na nakita namin sa Canteen non. Iba din. Porket nakita lang, meant to be na?


"Ang lande mo Tombz. Pati bata pinapatulan mo." Agad na komento ng bakla nung makita namin yung P.E. tshirt na suot ng mga studyanteng babae na naglalaro ng Footsal, kung nasan yung crush siya. Ang nakasulat lang naman sa Likod ng Tshirt nila ay 'Grade 8: Beryl.' Kasi LimeStone or Gems yung name ng mga Section nila.


"Shittttt nasa T-shirt niya yung name ko! Meant to be talaga kaaaami." Sabi pa niya nang makita na nga niya yung name 'daw' niya sa likod ng T-shirts nila. Tutok na tutok yung tingin niya dun. Habang, kulang nalang mag heart heart na yung mata niya. Baliw.



"Oo nga eh. Meant to be mo silang lahat. Kasi lahat lang naman sila may nakasulat na Beryl sa likod." Sabi pa ni bakla na siyang ikinatawa namin ni Peach. Hayp Haha!


Pero balewala lang yun kay Beryl kasi nakangiti lang talaga siya ng pagka-lawak lawak habang tinitingnan yung mga Jnr. High.



"Hinay-hinay Jade. Baka matunaw na kakatitig mo." Anang Peach na medyo natatawa. Oo nga. Amp.



 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon