Chapter 30: Her Best Friend

1.8K 87 14
                                    


Pumasok na kaming Canteen. Nagtaka ako dahil buti naisipan na ng babaeng mapang-asar na kumain dito eh hindi naman dito yung spot ng kainan niya. Napilit ata ng friend niya na si Kirei. Psh.



Pagkatapos naming makabili ng pagkain, nagsi-upo na kami sa table. Awkward dahil tahimik lang kaming tatlo habang kaharap namin silang apat na kumakain. Bali ganito yung pwesto namin sa table; Ako, Peach, Beryl tas sa kabilang side naman si Cassidy yeah magkaharap pa talaga kami, yung lalaking nakakainis, si Kirei tapos si Oliver. Bali ang kaharap ni Jade ay si Kirei at bakla. Amp. Nananadya ba talaga sila.



"So you guys are the bestfriends of mylabs?" Taenang endearment na yan. Nakakawalang gana. Si Kirei nalang bigla ang bumasag ng katahimikan. Nakatingin siya saming tatlo nila Peach. Si Peach yung sumagot ng Oo. Buti nalang andito to. Mukang di ko din kasi kayang magsalita lalo na't nasa harap ko 'siya'. Wala din namang balak magsalita si Jade na nasa tabi ni Peach. "Sou nan da." Ngumiti ulit yung Kirei. Tae, ayan na naman ang salita niya.



"I know sinabe kong walang ibang babaeng lalapit sa mylabs ko diba? Pero dahil sinabi niyang bestfriends niya kayo, you're exceptions. But siguraduhin niyong bestfriends lang niya talaga kayo ah." Dagdag pa niya habang isa-isa kaming tatlo na tinignan. Kapansin-pansin rin na mukang napapatingin sakin si Cassidy? Or ako lang yun? Hays hayaan na nga. Di ko pa siya feel pansinin din. Hmp. Tae. Napaka selosa talaga ng Kirei nato. Napaka Urgh! Napatingin ako kay Jade. Mukhang nagbalik na ang diwa nito at tahimik lang na kumakain. Hays, buti naman.



"Kirei." Anang bakla. Mukang sinasaway niya ang magaling niyang girlprend. Pagdudahan ba naman kami. Ayts!




"Just kidding, mylabs. Haha. Tonikaku, Namae wa nandesu ka?" Nagulat ako nang bigla niya akong tinignan. Tae, ano daw tanong niya? Mukang narealize naman niyang di ko siya naiintindihan kaya bahagya siyang natawa. "I mean, what's your name?"




"Shane." Gustuhin ko mang di ko siya sagutin, wala narin naman akong nagawa dahil ayokong maging isnob di tulad ng babaeng nasa harapan ko. Psh.



"Anata wa nihongo wo hanashimasu ka?" What the! Nakatingin parin siya sakin ngayon. Ano to, pinagtitripan niya ba ako? "Do you speak Japanese?" Gagu. Halata naman atang wala akong kaalam-alam diyan eh.




"Iie." Rinig kong sagot ng *ahem nasa harap ko. Luh, problema niya? Nakatingin na kasi siya sakin ngayon. Well, nakatingin silang lahat sakin. Pambihira!




"Hindi eh.." Medyo alanganin kong sagot. Eh hindi naman talaga ako interesado sa mga ganyan eh.




"Ohh. Okay. Kawaii ne." Huh ano daw? Nakita ko namang sinamaan siya ng tingin ni Cassidy or ako lang ata yun? "Yaa! Anatawa?" Bumaling naman ang tingin ni Kirei sa kasunod ko. Nakita kong natigilan si Peach. Haha, nagtataka narin to sa tinanong ni Kirei sa kanya.




"Hindi ako natawa." Sagot ni Peach. Tae, akala niya siguro literal na natawa yung 'anatawa' na tinanong ng Kirei nato. Pero mukang hindi naman yun yung meaning eh. At tama ata ako dahil nagsitawanan na yung mga kaharap namin. Yung dalawang mga higad sa harap ko, nagpipigil lang ng tawa. Tas si Kirei naman, wagas na tumawa, si bakla tahimik lang sa tabi. Tsk. Anong nakakatawa?




"I mean, Hi And you? How about you? Gomen. Pfft!" Halatang pinipigilan lang ng Kirei nato yung tawa niya. "Do you speak Japanese?" Nakatingin pa rin siya kay Peach. Aish, mukhang ayaw na ni Peach magsalita. Ayaw na niyang mapahiya. Bakla, tulungan mo naman kami. Sa amin kasi, si Oliver lang ang nakakaintindi ng language nila. Tinignan ko si bakla, nakatingin siya sa kaharap niya. Kay Jade na kumakain lang sa tabi. Mukang walang kaalam-alam sa nangyayari.




 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon