Chapter 7: Japanese

2.5K 115 17
                                    


Maaga akong nagising para maghanda na para pumasok sa School.

Nasa may bandang gate na ako nang mapahinto ako nang may napansin ako sa school shoes ko. May Tae. Joke lang haha. Nadumihan yung sapatos ko, may alikabok. Yumuko naman ako at pinagpag yun.


Saktong pag angat ko ng tingin, dumaan bigla yung kotse sa harapan ko. Kita ko pa kung sino yung nasa loob non.

Si Cassidy.


Nagseselpon siya sa loob. Di kasi tinted yung glassdoor ng kotse niya. Biruin mo, mayaman pala to.

Tuluyan nang pumasok yung kotse sa Gate. Tapos di ko alam kung bakit sinundan ko sila hanggang dito sa Parking Lot. Ewan ko kung pano ako napunta dito basta ang alam ko, curious lang akong sundan si new klasmet.

Nagtago ako sa ibang mga nakaparadang kotse at sinilip si Cassidy na lumabas na sa kotseng sinakyan niya. Sinundan ko siya ng tingin at papunta siya sa..Principal's Office? Ano namang gagawin niya dun? Malapit lang kasi dito yung building ng Principal's Office and School Staffs.


Hayaan na nga. Baka ma-late pa ako sa First Period namin ngayon. Management ulit.


Di pa ako nakakarating ng room nang mabungaran ko sa may pintuan si President.


"Good Morning Shane." bati niya sakin pagkalapit ko sa kanya.


"Morning. Tapos na yung Flag Ceremony?" Tanong ko. Nakita ko kasi kanina sa oval yung Flag na nasa itaas na ng pole. Pero maaga pa ako eh.



"Oo tapos na. 6:30 FC natin diba. 7:00 a.m. na kaya." Habang tinignan niya pa relo niya. Sabi ko na ang aga ko ngayon eh haha.


"So si Miko yung naglead ng Prayer?" Curious kong tanong. Di ko maisip yun eh.



"Yun na nga yung problema eh. Ang walanghiyang yun, umabsent ngayon." Natawa naman ako sa sinagot ni Pres. Wais talaga yung Pasaway na Miko na yun. Haha. "Si Jamaica yung inassign ko nalang kanina. Tapos ikaw din dapat yung magbe-beat ng Bayang Magiliw kaso wala ka kaya ako nalang." Pheww. Buti nalang talaga di ako maaga. Pero hanep tung si Pres. Di porket siya yung president, siya na yung palaging batas ah.



"Ah ganun ba? Ok nayun Pres. Haha. Andiyan na ba si Ma'am sa Management?" Tanong ko. Kahit alam ko namang ang aga pa. 7:30 a.m. yung start ng klase eh. Maaga pa talaga.


"Wala pa. Sige pasok kana sa loob." Pfft. Papasok talaga ako. Alangan namang tatayo lang ako dito sa labas? Sus ka Pres.


Pumasok na ako sa loob. At andito na yung tatlo. Ang aga ah.
Pero ganun nalang din ang gulat ko nung andito na si new klasmet. Nakaupo siya sa upuan niya, nag c cp na naman with earphone sa tenga. Teka, bakit nauna pa to sakin?



"Good Morning." ngiting bati ko sa tatlo nung makarating ako sa upuan namin pero ang mga Wengya, inisnob yung bati ko. Bahala sila. Aish. Busy sa daldalan si jade at bakla while busy na naman sa pagsusulat tung katabi ko. "Sabi ko. Good Morning!" sinigaw ko yun sa mga tenga ng tatlo.


"Shane naman. Di kami bingi." Jade.


"Bessy, di na morning ngayon. As usual, late ka ulit." bakla.



"Wag mokong istorbohin, Shane. Nagsusulat ako." Peach.



Kita mo tong mga to. Sila na nga ang binati. Sila pa ang galit.



 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon