Chapter 36: More than Friends?

3.2K 154 60
                                    


Shit! Napaface-palm nalang ako ng wala sa oras sa tuwing naalala ko ang nangyari kahapon. Luhhh. Seryoso? Ginawa ko ba talaga yun?

"Shane."

Ginawa ko ba talaga?
Totoo ba talaga na nangyari yun? Aytss, Bakit ko siya hinalikan? Anong pumasok sa isip ko para gawin yun? Tae, Mababaliw na ata ako! Pero baka baliw na talaga ako? Ahhhhh, Ayoko na.

"Shane!"

Sinampal-sampal ko nalang yung sarili ko dahil bumabalik na naman sa isip ko yung nangyari. Shit kasi. Bakit ko siya hinalikan? Ano ba naman kasing pumasok sa isip mo Shane para gawin mo yun? Baliw ka na ba? Parehas kayong babae. BABAE! At straight siya, STRAIGHT! Teka, straight din naman ako ah. 'Straight nga ba?' Aysss Ewan ko. Naguguluhan na ako. At mali parin yung ginawa ko. Maling-mali! Dapat di ko siya hinalikan. 'Pero kamusta yung kiss?' Ang lambot ng lips ni---ay Shit shit shit! No way. Nagsisisi ako. Bakit ko pa kasi ginawa yun? Pero mukang di naman siya nagalit nung hinalikan ko siya ah. Mukang tumalab naman sa kanya yung dahilan ko eh. Oo may dahilan ako nun. Sana lang talaga naniwala siya. Tsaka mukang wala naman sa kanya yung kiss na yun eh. At siyempre, wala lang yun sakin. 'Wala nga ba?' Ewan ko. Aytss. 'Pero gusto mo na siya diba?' Gusto ko na nga ba? 'Oo'.

Pero mali parin. Mali yung ginawa ko. Aistttttt!

Pinagsasampal ko nalang ulit yung sarili ko.


"Hoy bessy, napano ka diyan? Di ka lang pala lutang, Baliw ka na rin! " Naramdaman ko nalang na tinapik-tinapik na ako ni Peach. Dun lang ako natauhan. Tae, di ko napansin na nasa harapan ko na pala silang dalawa ni Jade. Ganun na ba ako ka-lutang?


Bigla nalang humagalpak sa tawa si Jade. "HAHAHA matagal na yang baliw, Peach. Wag na tayong magtaka. Pfft." sinamaan ko ito ng tingin pero ang wengya, di man lang natakot.


Kumuha sila ng upuan at naupo sa harap ko. "Okay ka lang ba? Ba't mo sinasampal ang sarili mo, Shane?" Halatang nag-aalala sakin si Peach habang pinipigilan naman ni Jade yung tawa niya. Ang saya naman niya. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil kinuha nila yung bag ko kahapon sa library saka binigay sakin pagdating ng afternoon. Buti nalang at nakapasok pa ako sa aftenoon classes. Buti nalang din at nakalabas kami ni Cassidy sa room na yun.


"Oo. Ok lang ako." Ayoko namang sabihin sa kanila yung tunay na nangyari. Sinabi ko na kasi sa kanila yung dahilan na kaya ako nawala kahapon ay dahil; pinagtripan ako at kinulong ako ni Amber sa underground room ng library which is true naman. Pero di ko sinabi kung sino yung kasama ko doon at ang pangyayaring 'iyon'. Yung nagpagulo ngayon sa isip ko. Yung insidenteng di maalis-alis sa isip ko. At yung taong nagpagulo ng damdamin ko. Ayoko munang sabihin sa kanila sa ngayon.


"Iniisip mo parin ba yung Amber na yun? Gusto mo resbakan natin, Shane?" Anang Jade naman at umacting pa na mukang ready nang sumugod with matching suntok pa sa ere. Natawa nalang kami ni Peach. Baliw.


"Wag na." Ayoko nang madagdagan ang galit sakin ng babaeng yun. Napagdesisyonan ko nalang na iiwasan ko nalang yun kung sakaling magkita man kami. At, sinisigurado kong hindi na ako magpapakita pa sa kaniya noh. Tsk! Masama pa naman ang ugali ng babaeng yun. Baka pagtripan na naman ako. Psh.


"Okay ka lang ba talaga, Shane?" Mukang ayaw pa maniwala ni Peach. Ayss, mukang nararamdaman ata niyang may tinatago ako sa kanila. Hayss, sorry sa inyo Peach, ayoko munang ishare sa inyo tong problema ko.


 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon