Chapter 26: Two Bitches?

1.9K 101 5
                                    


"Peach, mataba ba ako?" Nagulat siya sa naging tanong ko. Pano ba naman, kakarating ko lang sa dito sa School at yan agad yung bungad ko Kay Peach pagkadating ko sa upuan namin. Pinagpapasalamat ko na hindi na ako late. Wala pa din naman yung teacher namin ngayon eh. Tsaka wala pa rin siya. Kainis yung babaeng yun eh. Kaasar yung nickname niya sakin kahapon. Nakakainsulto siya ah. Hmp! Para fair kami, gagawan ko din siya ng nakakaasar na nickname. Akala niya ah.


"Seriously Shane? Bakit mo naman naisip itanong yan?" Halatang nagtataka si Peach ngayon pero mukang nagpipigil siya ng tawa. Ayss. Oo nga, Bakit ko nga ba yun tinanong? Ahh kasi aalamin ko lang kung mataba ba talaga ako. Tama. Aalamin ko lang.


"Haha wala lang. So ano na? mataba ba ako Bessy?" Naghihintay parin ako sa sagot niya. Sana naman 'hinde' yung sagot niya.

"Matagal na!" Jade.


"Nong una palang." Oliver.


Inis kong binalingan ang dalawa. Tae, nakikinig pala sa usapan namin. Pero luhh? So mataba nga ako? Noooo. Lumugmok yung mukha ko habang umayos nalang ng upo. Kainis ha. So tama pala yung asar niya nayun? Sisimulan ko na bang magdiet?



"HAHAHAHAHA." Kaloka. Nagsitawanan naman yung tatlo. Oo, di narin nakapagpigil si Peach at nakisabay na ng tawa kila Jade. Ang saya naman nila. Buti nalang may kaniya-kaniyang business ang mga tao dito kaya di na nila napansin ang wagas na tawa ng mga to.



"Pfft Shittt! Laughtrip ka Shane HAHAHA." Guess who? Si Jade lang naman. Nagpanggap pa siyang pinapahiran ang imaginary Tears niya. Tears of joy pa ata. Gagu talaga.




"Kaasar kayo! Sige tawa pa. Hapi?" Sabi ko nalang sabay irap sa kanila. Nagtatanong lang naman yung tao eh tapos grabe na ang tawa nila. Hanep.




"HAHA bessy. Bakit mo ba kasi natanong yun?" Anang Peach na mukhang tumahan na sa kakatawa at binalingan ako ng tingin. "Tsaka hoy. Kailan ka pa na consious sa katawan mo?" Dagdag pa niya.



"Wala lang. Bakit bawal ba." Sagot ko nalang. Kesa naman sabihin kong inaasar akong piglet ng babaeng yon.



"Shane. Tingnan mo nga ang katawan mo. Mataba ba sayo ang katawan nato ha?" Hinigit ni Peach yung braso ko. Tapos kinompara niya sa braso niya. "Eh mas mataba pa nga ako sayo eh."



Napamaang nalang akong tinignan siya. Malay ko ba na mas mataba pa pala siya. So ibigsabihin payat ako?



"Haha Mali ka Peach. Mataba talaga yan si Shane!" Bumalik Kay Beryl yung tingin ko. Hayp talaga to.




"Mas sexy pa ako sayo Bessy." Bakla.




"Hoy ako kaya!" Jade.




"Duhh! Balyena ka."



Ayan. Nagsisimula na naman sila. Nagkatinginan nalang kami ni Peach.
Alams na. Babatukan na sana namin ang dalawa para tumahimik eh sakto namang dumating na pala yung Teacher namin. At sakto rin na pumasok na siya. Nakatingin lang ako sa kanya habang papunta na siya sa likod. Hindi na sa likuran ko ah. Andun na siya sa bandang likod nakaupo. Ewan ko nga kung bakit nag-iba ng seat eh. At mukang badmood siya ngayon. Hays ewan.  Nagsiayos nalang kami ng upo at nagsimula na yung klase.

 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon