Chapter 22: Third Night

1.8K 89 1
                                    


Nasa Student's Hall kami ngayon. Kakatapos lang maglunch ng lahat. Pina stay muna kami dito dahil may announcement daw yung Spoke Person. Luh. Ano kaya yun?



Nakaupo na naman kami sa mga bleachers. As usual, kasama ko parin yung tatlo. At buti nalang din nandito siya ngayong araw na to. Bigla-bigla pa naman yun nawawala. Tulad kagabi, sabay kaming bumalik dun sa building at andun pa naman siya sa mga oras na yun pero kinagabihan, nagising ako tapos tinignan ko yung pwesto niya, Wala na siya dun. Kaya naisip ko na baka di siya natutulog dun sa room. Pero kung di siya natutulog dun, San naman kaya yun nagpupunta?




Natapos na naming malibot yung buong School ng LH. Tulad nga nung sinabi ni Sir Mecabanua kahapon, nilubos-lubos na namin ang pagtour dahil huling araw nalang namin dito. Tapos ang nakakatuwa pa, nilibre niya kami lahat ng icecream kasi mamimiss niya daw ang pagkabehave namin Haha. Daldalan na nga kami sa harapan niya, behave parin yun? Pero nagpasalamat nalang rin kami. Dahil naging mabait siya samin.




"Aytss. Ang tagal naman. Masyadong pa-thrill naman ata sila." reklamo ni Beryl. Kanina pa kasi kami dito nakaupo. Nabagot na ata siya kakahintay.




"Di lang makapag-antay? Excited much Tombz?" Anang bakla dahilan para makatanggap siya ng masamang tingin galing kay Jade.




"Paki mo ba?" nakataas na yung kilay ni Jade. Mukang badtrip to ngayon.




"Wala kong paki."





"Dapat lang!'





"Kasi di ka naman importante para bigyan ko ng pakialam."





"Aba't! May sinasabe ka?" halatang nainis na si Jade kay bakla.





Pambihira. Ayan na naman yung bangayan nilang dalawa.




"Manahimik nga kayong dalawa!" Buti nalang talaga andito palagi si Peach. Tumigil naman agad yung dalawa.




Napa iling-iling nalang ako tapos iginala ko yung paningin ko para hanapin siya. Napakunot na naman ako ng noo kasi napapansin kong napapadalas na yung pagsama niya kay Pres. Tabi pa talaga sila ah. Tsk.





"Aytss. Ano kayang meron sa dalawang yun?" Napaharap ako kay Peach dahil tulad ko, nakatingin din pala siya kila Pres. Luh sinundan niya ba yung tinitingnan ko? "Pansin mo rin ba Shane na palaging magkasama si Drake at si Cassidy?" tanong niya tapos tumingin din sakin. Ang tinutukoy niyang Drake ay si Pres. Oo napansin ko rin yun.





"H-Ha? Ewan. Di naman kami close ni Cassidy eh." Kinakabahang sagot ko. Baka magtaka pa to sakin. Naku. Ang pagkakaalam pa naman nito, wala akong pakialam dun.





"Ahh sabagay. Ako kasi napansin ko yun. Kahapon pa. Parang close na nga sila eh." Dagdag pa niya tapos binalik na yung tingin kila Pres.





"Ahh ganun ba." tanging nasabi ko nalang. Edi sila na yung close.





"Sus Shane. Napansin rin kaya kitang tinitignan mo silang dalawa." sabay tawa niya. Ano? Napansin pala niya? Magsasalita na sana ako para tumanggi pero nagpatuloy na ulit siya. "Nagtataka talaga ako kung bakit magkasama sila. Kasi diba, hindi pa natin nakita si Cassidy na may mga kaibigan or kasama? Kaya ang weird lang kasi nakikisama na siya kila Pres. Hindi kaya may relasyon silang dalawa noh?" Tae.





"Huh? Hindi!" Ay shit. Ba't ko nasabi yun.




"Ikaw ha. Napaghahalataan na kita." Ngumiti siya sakin ng nang-aasar. Kinabahan naman akong napaiwas ng tingin. Luh? Halata ba ako masyado? Tapos tumingin ako kila Jade. Buti nalang may mga sariling mundo sa likuran ni Peach.




 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon