Chapter 16: Alone

2K 108 8
                                    


Maaga akong nagising. Akala ko may pasok, wala pala. Sabado nga pala ngayon. Pinatay ko na yung alarm-clock sa bedside table tapos tumayo na ako papuntang banyo. Siyempre para maghilamos at magtoothbrush.




Gulong-gulo pa yung buhok ko tapos nakapangtulog pa akong naglakad pabalik sa kama nang matapos ako sa banyo. Mamaya nalang ako maliligo. Nagugutom na ako. Lumabas na ako ng kwarto. Napakatahimik lang ng paligid. Ako lang yung tao dito. Ako lang naman talaga ang nakatira dito. Sanay na ako. Pero, tulad nga ng inaasahan ko, di na dumadalaw dito sila Ninang at Eun. Haysss. Nakakamiss na sila. Lalo na ang batang yun. Maingay kasi tong condo ko pag nandito si Eunice. Ang daldal kasi ng batang yun, siya lang yung nakakausap at nakakabonding ko dito sa loob. Kamusta na kaya sila? Dadalawin ko nalang sila pag may time ako. Buti nalang, alam ko kung saan sila nakatira.




Kumuha na ako ng dalawang egg sa Ref. Magpi-prito nalang ako ng uulamin ko. Marunong naman akong magluto eh kaso tinatamad ako ngayon kaya pritong itlog lang muna. Tutal, ako lang rin naman ang kakain nito. Nagsaing narin ako ng kanin sa ricecooker.




Nang maluto na, kumain na ako ng mag-isa. Nakakabingi yung katahimikan dito. Wala akong makausap. Nakakaboring. Buti pa sa School, nagiging masaya ako.





Pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan ko, bumalik na ulit ako sa kwarto. Maliligo na ako.


.


.


Tapos na akong maligo at kasalukuyan akong nakaupo sa sofa, nanonood ng tv kaso wala namang magandang palabas kaya kinuha ko nalang yung phone ko at naglog-in muna sa Facebook.




As expected, online yung tatlo kong baliw na kaibigan. Tinignan ko naman yung GC namin sa Abm. Ganun parin, walang latest chat. Sineen lang namin lahat yung chat ni Miko kahapon pa. 'Wassup Guys.' Yan yung chat niya kaso na seen zoned lang sa GC. Mga peymus kasi lahat ng klasmet ko Haha.




Bigla namang nagchat si bakla sa GC naming apat. Ginawa ito ni Oliver para daw may komunikasyon kaming apat at may time kaming magdaldalan nang kami-kami lang. Tapos pinangalanan pa talaga niya itong GC namin ng 'Barbie and the 3 Musketters' Siya daw yung barbie kasi bakla ba naman, Haha.



>>Barbie and the 3 Musketeers GC<<


Barbie: 'Hey mga bessy!'

Bigla namang sumunod si Beryl,

Musketeerblue: 'Yow guysssss.' 

Nagreply din si Peach,

Musketeerviolet: "Hellowww.'


Kaya sumunod na din ako sa panghuli,

Musketeergreen: 'Olah. Haha.'

Musketeerviolet: 'Shane, bakit di ka pumunta kahapon?'

Musketeerblue: 'Oo nga. Naku sayang Shane. Di mo napanood yung laban nila. Ka-ABM natin yung mga nanalo HAHA.'

Barbie: 'Oo nga bessy. Kala pa naman namin, susunod ka.

Ay oo nga pala. Shit, anong idadahilan ko? Sasabihin ko bang, Sorry guys di ako nakapunta dahil inaya kong lumabas si Cassidy tapos kumain kami ng streetfoods kahapon kaya di ko na napansin yung tungkol sa basketball friendly-match? Siyempre hindi. Hindi ko yun sasabihin sa kanila dahil magtataka tong mga to tapos uulanan ako ng mga tanong. Di ko alam yung isasagot ko.



 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon