Chapter 6: Life Savior

2.6K 113 12
                                    


"I hate Dramas. Move Away."

Dumaan siya sa pagitan namin ni Amber at parang sinadya niya pang banggain ang balikat ng kaaway ko.


Dahil dun, napabitaw sa akin at naibaling sa kanya ang atensyon ni Amber. "Fuck. Sino kaba?!" Akmang susugudin niya ito sa likuran ng biglang tumunog yung FireAlarm dito pero Timebell yung tawag namin. Hudyat na magsisimula na ang klase this afternoon. Pero nakaalis na si Cassidy. San kaya papunta yun.


Automatic naman na nagsibalikan na sa kaniya-kaniyang respective classrooms ang lahat.


Binalingan ako ng tingin ni Amber.

"Di pa tayo Tapos." tapos tumingin siya sa mga kasama niya. "Let's go Girls."


Naiwan naman kaming apat na di maipinta ang mukha. Gulat sila sa nangyari maski ako. Pero mas gulat ako sa ginawa ni New klasmet. Tinulungan niya ba ako?



"Ako'y shoktt sa pangyayari mga bessy!" Ngayon lang ata nakapagsalita si bakla. Dahil since kanina sa away hindi ito nag ingay.



"Halata nga. Bakla ka talaga." sabat ni beryl.



"Oral Com na. Tara na." Turan ni Peach at agad na kaming tumakbo sa classroom habang hila-hila niya ako.



++++++++++++


"Class! Get 1 whole sheet of paper and we will have a Quiz Today." anang Teacher namin sa Gen. Math. Nasa 3rd period na kami na subject ngayong hapon. At andito narin si New klasmet. Di ko talaga makalimutan yung ginawa niya kanina. Ba't parang tinulungan niya ako. Mabait pala siya.




At nagpapasalamat ako nang Walang may alam sa mga classmate namin tungkol sa nangyari kanina. Yun ang akala ko. Sana lang talaga walang may alam.




"Lahat na ba may papel na? Sasabihin ko lang ang mga questions. Let's Start!"



Teka! Wala pa akong papel. Lagot na.



"Shit. Wala na akong papel." bulong din ni Peach. Nagkatinginan naman kaming dalawa. Pareho pala kami, wala nang papel. Shit kasi. Madali lang naubos ang papel namin kasi panay punit kami ng papel pag nagsosolve.




Sabay namin binalingan ang dalawa at may tig isang papel na sila sa arm-chair nila. Mga traydor.



"Sorry mga bessy. Dalawa nalang papel ko. Hiningi pa ni Tombz yung isa." Mahinang bulong din ni bakla.



We're doomed.



"Manghingi nalang kayo bilis. Habang di pa nagsisimula si Ma'am." anang Beryl. Bumulong lang din.




Agad kaming naghagilap ni Peach sa paligid pero isa-isa lang talaga papel na hawak ng ibang classmates namin. Tapos nahihiya pa akong manghingi sa iba na may isang baloon ng papel kasi di ko sila ka-close.




"Woahh. May papel kana?" gulat na bulong ko sa katabi ko. May hawak na kasing papel. Anperr.




"Oo. Dalawa hiningi ko, isa lang binigay ng nasa likuran ko. Pasensya Shane." Mahinang tugon ni Peach.





Haysss Pano nako ngayon? Naghagilap ako sa paligid ko. Parang lahat na ata may papel except nalang sakin. Shit naman.




"Okay. Number 1." Anunsyo ni Ma'am sa harap. Luhh pano natu. Pupunitin ko nalang kaya ang isang page ng big notebook ko? Di ako makapaniwala. Naghihirap na ako.




 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon