Chapter 4: Class Muse

3.3K 120 16
                                    


Kasalukuyang nagdadaldalan kami dito ngayon dahil di pa dumadating yung guro namin sa panghuling subject namin ngayong umaga; Personal Development

Yung ingay namin ay halos maririnig na sa susunod na mga classrooms. Ewan ko, ganito na talaga kami pag walang guro. Parang nasa Palengke.


Tulad nga ng inaasahan, marami sa amin ang nagdadaldalan tungkol dun sa new klasmet namin. Si new klasmet na kung kailan malapit na mag Midterm ngayon pa naisipang pumasok. Si new klasmet na kung makaasta ay parang professional. Si new klasmet na saksakan ng nakakamatay na tingin. Si new klasmet na parang di friendly. Si new klasmet na masungit tingnan.

Si Cassidy.

Kahit unti lang kami sa section na ito, ABM11-A dahil supposed to be 30 lang kami dito pero may nauna nang transferee student nung first day sa school at yun ay ang isa sa kaklase namin which is yung Class President namin na si Drake Pascua, then sumunod naman itong si new klasmet kaya naging 32 kami over all sa Class na to. 15 boys and 17 girls. Ps; Kasama na si bakla dun sa boys (kahit feeling girl) Haha.

Ilang minuto pa kaming nagdadaldalan nila Peach pero nang wala nang ma e topic ay may mga ginagawa narin silang pinagkakabusyhan nila.


Si beryl na as usual nag c -cp. Kahit bawal sa classroom yun. Katext na naman siguro nililigawan nito. Sanaol.


Si bakla na busy sa pag aayos ng bangs niya kuno. Tas gandang-ganda sa sariling tumitingin sa hawak niyang salamin.
Natawa nalang ako sa isip ko. Sabi ko na barbie.


At napunta naman yung tingin ko dito sa katabi ko, busy siya sa pagsusulat ng...Diary? Nang tignan ko naman ito, bigla niyang inilayo. May pa ganyan-ganyan na pala siyang nalalaman ah.


"Shane. Bawal tignan."

Busangot naman na tingin ang binigay ko sa kanya. Ang damot, ayaw magpatingin.

Kahit ang ingay na namin sobra at halos marinig narin sa ibang building ay walang paki ang mga tao dito.

Si Aivy Jeanne Estomago, na kabilang ng cheerleaders club at kasama yung dalawa niyang mga galamay ay as usual busy sa pagma-make up at daldalan sa mga upuan nila. Pinag uusapan na naman siguro nila kung gano sila kaganda.


Tas sunod na napunta ang tingin ko sa ilang mga kaklase naming mga boys na mga nagsitayo na at gumawa ng ring sa likuran, isang trashcan na walang basura at pinagsho-shoot nila ang mga lampaso dun habang nagkakasiyahan sa laro nila. Mga pasaway.


Siyempre, may iba rin namang nagsusulat lang at nag uusap ng masinsinan. May groupings at by pairs rin na mga nagsidaldalan na mga kaklase ko. Ito yung section namin. Napakaingay at napakagulo. Kaya no.1 hate ng mga teachers dito.



Last naman ay tinignan ko yung upuan na nasa likod ko. Coencidence ba or sadyang sa likuran ko siya laging nakaupo. Napanganga ako sa nakikita ko. Nakapikit siya habang nakasandal sa upuan at nakasuot ng headphone ang ulo niya. Natutulog ba siya? Siguro. Pero naka headphone, ayaw niya siguro ng ingay. Wala siyang paki sa paligid niya. Naririndihan na siguro siya sa ingay ng mga kaklase ko. Mga pato kasi.



Di ko na napansin kung ilang minuto lang akong nakatingin sa kanya. Napaka misteryoso niyang tignan.



Pero ang ganda niya. Di ko yun maipagkakaila.


Nang biglang---nagmulat siya ng mga mata at dahil ka harap niya ako ng upuan ay diretsong nagtama ang mga tingin namin. Shit. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya!



 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon