Chapter 2: Dissapointment

3.9K 128 7
                                    


Asan na siya? Wala naman siya sa cafeteria pagdating ko ah. Hihintayin daw niya ako Tss. E san na siya ngayon? E kahit anino manlang di sumipot.



Iginala ko yung tingin ko sa paligid pero di ko talaga siya mahanap.

Pambihira, paasa siya.

*Beep

Agad ko namang tinignan kung sino yung nagtext. Nagbabakasakaling siya na nagtext. At tama nga ako. Napangiti naman ako kaso...

[Fr: Mine]
'Ah di na pala ako makakasabay sayo, Mine. May urgent practice kami e. Next time nalang.'

Dahil dun nawala ngiti ko. Aysssss paasa talaga.


'Okay lang.'  Reply ko.



Nawalan na ako ng ganang kumain.



"Bessy!" Napalingon ako sa likuran ko. Nakita ko sa 2nd to the last ang table nila Peach at Oliver na halatang di pa kumakain. Parang inaantay nila ako ah.


Kinawayan nila ako at pinapalapit sa kanila. Sinenyasan nila akong sabay na akong kumain sa kanila.




Napangiti naman ako at nagthumbs up. Mabuti nalang may mga kaibigan akong ganito.




Maglalakad na sana ako papalapit sa kanila pero bago yun, bibili muna ako ng makakain. Sasabay nalang ako sa kanila maglunch.




"Oh, di dumating si boyfie?" Tanong ni Oliver nang makarating ako sa harapan nila.
Yumuko nalang ako. Nakakainis kasi. Umasa lang ako sa wala.




"Bess ok lang yan. Upo kana at kumain na tayo dito." Salita ni Peach nang makita niyang nakatayo pa pala ako.




Nilapag ko na ang food tray sa mesa.




"Oo nga. Naku ghurl, wag ka sanang magalit ah. Pero sa tingin ko pinaglalaruan ka lang ng boypren mo." taka kong tinignan si Oliver dahil sa sinabe niya. "No offense ha. Kasi napapansin namin na palaging ikaw nalang yung gumagawa ng homeworks at projects niya."




Napapatango-tango naman si Peach. "True bess. Parang inaabuso ka lang niya. Bago palang kayo diba. Tapos ikaw lang naman gumagawa ng effort sa relasyon niyo. Di tama yun."




"Kung kami sayo bess, hihiwalayan na namin yun habang maaga pa. Ayaw namin na masaktan ka, Shane." Wika pa ni bakla. Nagtaka naman ako dun. Babae ba siya huh.




Nalinawagan naman ako sa mga sinabe nila.




Feel ko din kasi na ako lang yung seryoso sa relasyon namin tapos ayaw niya pa na ipaalam sa lahat na kami--hindi naman sa gusto kong ipaalam sa lahat. Ang akin lang din, bakit takot na takot siya na ma public yung relasyon naming dalawa? So Kinakahiya niya ba ako? Kaya pala tinatago lang namin ang kung anong meron kaming dalawa.
Tapos Di pa naman kami ganun ka tagal. Mag wa-one month palang. Tapos di niya ako inaayang lumabas, kaya di ko pa siya masyadong nakikilala.




Crush ko kasi siya simula nung junior High pa kami. Siya si Nathan Franz Parales. Isa siyang varsity player ng Basketball dito sa FU. Tapos napansin niya ako ngayong Gr11 na kami tas ayun kinaibigan niya ako tas nagulat nalang ako na nililigawan na pala niya ako.





Kilala na siya ng parents ko kasi palagi ko siyang kinukwento sa kanila. Hindi naman tumutol parents ko kaso wala daw silang tiwala kay Nathan. Pero nanaig yung kagustuhan ko kasi crush ko nga siya noon.



 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon