Chapter 1: Meet My Friends

12.6K 202 24
                                    

"Good Morning Ate Shane!"


"Ate Shane, gising na po!"



"Ate! gising na!"



"Ate!!"



Uhh..ang bigat.



Parang...



Parang..



..may bagay na nakadagan sakin pero binalewala ko nalang.


Hayss.. inaantok pa ako.



"ATE SHANE GISING!"



Huh?


Automatic naman akong napaupo dahilan para mawala ang bagay na nakadagan sakin.
Lumagabog pa ito na parang bumagsak.


"Ha? Ano yun?  Sunog? May sunog ba?!" kinabahan akong nagpabaling-baling ng tingin sa buong kwarto ko at parang nabuhayan naman ako ng loob ng makita kong wala naman palang nangyari.

"Hayys. Akala ko naman kung ano na." napailing nalang ako dahil sa ni-react ko kanina.Sunog, Pfft. Ang OA lang.


So, bumalik nalang ako sa pagkakahiga.


"A-Aray..A-Ate."


Huh? parang..pamilyar na boses yun ah.

"Ohmygod!" napatili ako nang may tumayo sa side ng kama ko. "Eunice!" galit na tawag ko sa taong gumulat sakin. Shocks! Akala ko kung ano na.

"A-Ate Shane."

"Wag mo nga ako ma ate ate Eunice! Bakit mo'ko ginulat?" Peste, pinagtripan pa yata ako ng batang to ah.


"Eh! Hindi ko naman po kayo ginulat."


Anong hindi?


"Ginulat mo kaya ako! Pero, ba't ka pa kasi nagtatago diyan? Naisip mo pa talagang maglaro ng hide and seek ng ganitong kaaga?!" Napakamot na lamang sa ulo si Eunice.


"Ate Shane. First po, hindi po ako naglalaro ng hide and seek. Second po, ginising ko lang naman po kayo pero ano pong ginawa niyo? Itinakwil niyo lang naman po ako ng pagkalas-lakas dahilan po para mahulog ako sa sahig. Ang sakit nga po ng likod ko eh." Ha? Ganun ba yung nangyari? Kaya ba may lumagabog kanina?


Nilapitan ko naman agad siya."Haha, ganun ba yun Eun? Sorry ha kasi naman ang liit lang naman ng kwarto ni ate. Ayan tuloy, nahulog kapa." hinihimas-himas ko yung likod at ulo niya.
"Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba ng todo?" nag aalala kong tanong. Luh, wawa naman tong si Eunice. Napagalitan ko pa tuloy.


"Ok lang po ako, kasi hindi naman ako masyadong nasaktan, ate eh." ngumiti na siya ulit.



"Sorry ulit si ate ha? Napagalitan ka pa tuloy ni ate." umupo ako sa kama at pinaharap siya sakin.


"Ok lang po yun no, hehe."


Napangiti ako. "Salamat Eun. Pero wait! ba't ka pala nandito? Kasama mo mom mo?"


 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon