Chapter 18: School Tour

2.1K 96 23
                                    


6:20 A.M.


Ngayon, sigurado na talaga akong maaga ako, kasi yan yung oras pagtingin ko sa relo ko eh. Nasa school na ako. Pagpasok ko palang, marami nang nagsi-kalat na mga Studyante sa Field or sa Oval. Naghahanda na ata para sa Tour. Kapansin-pansin din yung mga bus kanina sa may Gate. Madaming nakahilerang School Bus. Kada bus may mga nakasulat na Grade and Section. Mukang magiging sardinas yung mga studyante mamaya sa loob ah.



Papalapit pa lang ako sa building nang salubungin ako nila Peach.



"Aba. Himala! Ang aga natin ah." Nang-aasar na bungad ni Beryl. Sinamaan ko lang to ng tingin. Baka nakakalimutan niyang, sineen lang nila ako nung mga nakaraang araw. "Sabi ko nga, Good Morning, Shane." Inakbayan niya ako.



"Morning bessy. Di naman excited noh?" Anang Peach. Halata ring nang-aasar. Aish.



"Morning. Di naman din halatang excited kayong tatlo noh?" Balik kong asar sa kanila. Nagsi-iwasan lang sila ng tingin sakin. Halatang mga guilty Haha.



Samantalang, pinakialaman naman agad ni bakla yung bag ko. "May dala kang pagkain dito bessy?" Akmang bubuksan na niya yung backpack ko pero nilayo ko ito. Muntik na! Muntik nang mawala yung iningat-ingatan ko. "Grabe ka bessy. Hindi ako manghihingi ah. Di ako patay gutom tulad ni Tombz noh." Haha. Mukang nabasa niya yung nasa isip ko. Natawa naman si Peach sa gilid ko habang si Beryl naman, agad na piningot yung tenga ni bakla.



"Hoyyy! Sinong patay gutom ah?" Jade.



"Aray..aray ko naman. Sadista ka talaga! Parang joke lang yun eh." panay yung haplos ni Bakla sa taenga niya nung binitawan na siya ni Jade.




"Pasok na nga tayo. Ang aga-aga ang sweet niyo ah!" Asar ko sa dalawa dahilan para samaan nila ako ng tingin.



"Gago."




"Ewzz."



Kaniya-kaniyang layo sila kaagad tapos nauna nang maglakad pabalik ng room. Haypp HAHA. Di talaga sila majoke eh.




Nagkatinginan nalang kami ni Peach at sabay na natawa. Halatang may something na yung dalawang yun. Haha.


.


.


"Tara Bessy! Dun tayo sa likod umupo." Hinigit ako ni Peach papalapit sa kanya. Kaniya-kaniya na kaming pasok sa mga School Bus namin. Andito na lahat ng Abm-A sa bus na naka assign samin. At buti naman, andito na rin siya. Yung taong gusto kong makita ngayong araw na ito. Buti naman sumama siya.




"Hayss. Sa wakas. Nakaupo narin tayo." Anang Peach na nasa gilid ko. Ako yung nasa may bintana sa upuan namin. Habang sila bakla naman, nasa kabilang side namin, si Jade din yung nasa banda ng bintana. Mga nasa ika-6 row kami sa upuan nakaupo. Salamat nalang at kasya kami dito dahil 32 lang kami lahat. Di tulad ng ibang section, mga nasa 40 at 50 sila.




"Okay Students. Andito na ba lahat?" Anang Adviser namin sa harap. Nakaupo siya katabi ng Manong driver.




"Yes Ma'am!" Sabay-sabay na sagot naming lahat. Yung mga bag naman namin ay nasa ibaba ng upuan namin. Malinis naman yung sahig. Pangmayaman nga, ika nga nila. Pero may ilan naman na pinili nalang ilagay sa likod ng upuan.




"Excited na kayo sa School Tour natin?" Dagdag pa ni Ma'am.




"Yes, Ma'am!" Halatang mga excited eh. Buti nalang, complete kami ngayon. Lahat sumama. Sino ba namang di sasama eh once in a life time lang to mangyari kaya wala ng ayawan.
Kaniya-kaniyang ngiti yung mga kaklase ko. Napunta naman yung tingin ko sa kanya. Parang wala lang sa kanya. As usual, walang reaksiyon ang mukha. Nasa kabilang side siya nakaupo kaya natatanaw ko siya. Nasa unahan siya nila Beryl. Tapos si Pres pala yung katabi.





 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon