Chapter 23: Unexpected Moment

2K 109 15
                                    


Habang nagkakantahan silang lahat ay pasimple na akong tumayo. Kailangang di nila ako mapansin na nawala na. Lalo na yung tatlo. Baka kasi hanapin pa ako.



Kanina pa akong tahimik lang na naglalakad sa madilim na hallway. Ewan ko kung saan ako papunta. Hinahanap ko na siya sa kahit saan pero di ko siya nakita. Kinakabahan na ako. Tumingin naman ako sa wristwatch ko, 8:26 na pala. Lagot, sabi pa naman ng Adviser namin hanggang 10 P.M. lang kami dahil dapat sa madaling araw pa bukas ay kailangan na naming makauwi dahil may pasok pa kami.



Bakit kasi parang ako lang yung may pakialam sa kanya? Ba't di siya hinahanap ni Ma'am pati na mga classmates ko? Ang weird naman. Alam kong hilig niyang lumabas ng gabi. Pero iba kasi yung kutob ko ngayon eh. Parang may nangyaring di maganda. Aish. Kailangan ko na talaga siyang mahanap.



At parang bumalik bigla sa alaala ko yung mga ngiting iyon ni Amber. Nakangisi siya sakin kanina. Di kaya may kinalaman siya sa biglang pagkawala ni Cassidy? Ay shit. Possible nga. Kasi naalala ko yung time na nasa bandang may treehouse kami. Galit siya non dahil di ko sinabe sa kanya ang pangalan ni Cassidy at parang may binabalak siya na plano non para sa kanya. Luh. At unti-unti nalang may pumasok na lugar sa isip ko. Tama, Yung Tree House!




Dali-dali naman akong tumakbo papunta dun. Pero siyempre, nagtatago ako sa mga pader dahil baka may Teacher or Guard pala na gumagala dito. Di naman ako takot kahit madilim at tanging sinag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ko para makadaan at hindi yun naging dahilan para magback-out ako sa paghahanap sa kanya. Nag-ingat ingat din ako sa pagtakbo. Baka kasi madapa or mabangga ako, may pagka tanga pa naman ako minsan. Kailangan ko maging maingat dahil baka may makakita sakin. Mabibisto ako pag nagkataon.



Hinihingal akong napahawak sa magkabilang tuhod ko nang makarating ako sa TreeHouse nila dito. Isa-isa kong tinignan sa itaas kung may sign ba sa kanya kaso wala. Lumapit pa ako sa iba para siguraduhin na wala ba talaga pero wala parin. Wala akong masyadong makita kasi nga madilim at kung di rin naman ako tanga, naiwan ko yung cp ko na magsisilbing flashlight ko sana. Ayts. Ang bobo mo Shane. Nagpalinga-linga naman kaagad ako nang makarinig ako ng tunog at kalabog sa kung saan. Shit naman oh.




Pero kahit nanginginig man, minabuti ko parin ang lapitan ang kung saan nagmumula ang kalabog na yun. Nakarating ako sa isa sa mga Treehouse dito. Napatingala ako sa itaas. Dun nanggagaling yung tunog. Shit! Dapat na ba akong tumakbo? Tapos agad na nadagdagan yung kaba ko nung makita kong parang may tao sa loob. Pero impossibleng may tao pa rito eh kasi nasa Field na kami lahat. Teka, Baka aswang to? Tatakbo na ba talaga ako? Sunod-sunod yung paglunok ko nang lumakas pa ulit yung pagkalabog don pero minabuti ko nalang ang umakyat sa wooden stairs papunta sa maliit na bahay na nasa sanga ng puno. Mas mabuti kung makita ko ito at para masigurado kong tao nga. Pero kung di naman tao, *Gulp! Edi Takbuhan na!




Pagkarating ko sa itaas, medyo nakasiwang yung mga wooden wall kaya parang nakikita ko na yung nasa loob. Shit may nakita akong kamay! Hindi ako lumapit pero nanatili akong nakatitig dito. Tao ba talaga ang nasa loob nito? Kahit sobrang natatakot na ako ay napagdesisyonan ko nang ilapit yung mukha ko para silipin yung loob. Sa pader lang ako sisilip kasi nakasarado yung pinto sa harap ko. Medyo maliit lang kasi yung pinto din kaya I'm sure medyo nakayuko yung nasa loob ng maliit na bahay nato ngayon.





"H-Help.." Isang boses ang nagpabalik sa huwisyo ko nang bigla itong magsalita. Luh? "H-Help me.." sinabayan yun ng mahina nalang na kalabog. Agad naman akong natauhan nung makilala ko yung boses na yun. Shit!




 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon