Chapter 14: Guidance

2K 111 14
                                    


Huwebes na ngayon at naging matagumpay yung reporting namin kanina. Di ko aakalain na ikalawa kami sa tatawagin sa harap. Yung naunang nagreport ay sila Pres. Sumunod kami tapos yung iba pa. Pati din sila bakla, nakaraos na rin. Akalain mo yun, marunong naman pala sa explanation sa harap si bakla habang nagreading report lang naman si Jade Haha. Sila Peach naman at Pres, parehong sanay na magreport, confident silang nagsalita sa harap, ni hindi man lang sila nagkautal-utal sa pagreport. Yung samin naman ni Cassidy, ako lang yung nag e-explain at nagdedemonstrate sa harap dahil ayaw niya daw mag-explain kaya binabasa niya lang yung report namin. Ok na yun, atleast tapos na kami Haha.


Kasalukuyan kaming nasa First Period this Afternoon. Nagdiscuss lang si Ma'am sa harap tapos pinakopya samin yung kailangang kopyahin dahil malapit na yung Midterm exam. Si Peach yung pinasulat sa Blackboard.


Busy lang kami sa pagsusulat nang biglang magsalita si Ma'am sa harap.



"Ms. Cassidy Sandoval?" Dahil dun, lahat kami napatingin sa likod. Umangat yung tingin ni Cassidy habang naghihintay ng sasabihin ng Teacher. "The Principal want to see you, right now." patuloy ni ma'am. Luh. Bakit kaya?



Tumayo naman agad si Cassidy bitbit yung bag niya at diretsong lumabas ng pintuan. Lahat kami sinundan lang siya ng tingin papalabas. Weird. May kasalanan ba siya?




Bumalik na lang ulit kami sa pagsusulat. Mga ilang minuto lang nung umalis si Cassidy ay lumabas rin si Ma'am. Kaya, chance na yun para mag-ingay kami. May mga nagreklamo dahil kapagod na daw magsulat, may iba naman na dumadaldal kung bakit daw pinatawag ng Principal si Cassidy. Baka daw may nagawang kasalanan kaya nireport sa principal. Napaisip naman ako. Totoo kaya?



Di rin nagtagal, agad ring bumalik si Ma'am.
"Light Peach Abrigo, Beryl Jade Acenas, Xander Oliver Harikito and Darylle Shane Alonzo.. Pinapatawag kayo sa Guidance Office." Anang Ma'am na nagpahinto saming lahat. Maski si Peach, halatang nagulat rin. Napatigil siya sa pagsusulat sa blackboard. Medyo napangiwi pa siya nung banggitin ni Ma'am yung Full name niya. Tae. Guidance? Pinapatawag kami?



Nagkatinginan naman kaming apat. Anong naging kasalanan namin?


"Luhh grabe naman."

"Bakit sila pinatawag?"

"Di ako makapaniwala na naguidance sila."

"May kasalanan rin ba sila?"


Napuno ng bulungan ang classroom namin. Samantalang kinakabahan naman kaming apat. Shit naman. Wala akong maalalang naging kasalanan namin.



"What did you do students? Anyway, go there and fix your mess."


Kahit di parin tuluyang magsink-in sa mga utak namin na pinapatawag kami sa Guidance ay tumayo narin kami at nagsimula nang maglakad papunta sa building ng Principal's Office. Andun din kasi yung room ng Guidance Counselor.



"I can't believe this. Totoo bang pinapatawag tayo dun mga bessy?" Si bakla ang bumasag ng katahimikan. Nasa may Covered walk na kami. Para kaming mga zombie na naglalakad habang tulala parin sa nangyari. "First time ko tong ma-guidance sa tanang buhay ko. Gosh." patuloy pa ni bakla. Ako din. 1st time ko to ngayong Gr.11.



"Ako din. Kahit kailan never pa akong nagkarecord sa Guidance ng School." Sabi naman ni Peach. Halatang malungkot siya. Naku naman.



"Sus! Okay lang yan. Sanay nako diyan. Di naman tayo papatayin, sesermonan lang tayo guys." Anang Beryl na mukang pinapalakas yung loob namin kaso di yun umepekto. Malungkot parin kami. Palibhasa, sanay tong ma-guidance.




 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon