Chapter 19: Lharvy High

1.8K 87 1
                                    


Pagdating namin sa sinasabing Student's Hall, marami nang mga studyante ang nagkalat. Ina-asist sila lahat ng mga Teachers.




Habang papunta kami dun, panay yung pag-salita ng Sir sa harapan namin, di siya nauubusan ng salita. Nauna na niyang naituro samin yung halos mga nadadaanan namin dito. Nandun yung, apat na Canteen nila, Shedhouse din tulad ng samin, garden, flowers plaza oo may ganun sila kaso bawal daw yun puntahan dahil pang dagdag tanawin lang daw yun dito, nadaanan din namin yung Fountain nila sa gitna ng Quadrangle nila. Ganda. Tapos may mga TreeHouse sila dito. Namangha kami dun. Astig. Uso kasi dito yung mga malalaking puno sa paligid.




Nauna niya ding pinakita yung building ng Jnr. High daw. Grabe, de-aircon lahat ng room nila. Katulad din naman to samin kaso, may ibang room kasi na sira na yung AC, di pa naaayos pero okay lang naman yun samin. Namangha din kami nung matanaw namin yung Mini Forest nila. Grabe, may ganun pala dito. Buti nalang may malalaking Pader ang nakapalibot sa School nato. Tapos nadaanan din namin yung Mini Playground nila dito. Mayrong swing, monkeybar, sesaw, slide, tapos iba pa. Mga bata pa ba yung mga Studyante nila? Ang sabi naman ni Sir Mecabanua, sinadya talaga daw yan para sa mga Jnr. High na gusto pang maglaro. Sabagay.




Marami-rami din siyang naipakita samin na mga bagay dito at habang naglalakad kami, pinagtitinginan kami ng mga Studyante ng Lharvy High na nasa room or building nila, ang iba tumitingin pa sa bintana. Ngumingiti namang kinakawayan sila ng ibang mga kaklase ko. Kadalasan pa boys. Mga pasaway at feeling sikat lang Haha eh dayo lang naman sila dito. Kami pala.




Marami pa daw kaming pupuntahan pero bukas nalang daw niya yun ipapakita samin, anang sir.
Nang makarating na kami sa mga ka-Schoolmate namin, iniwan na kami ni Mr. Mecabanua. Andito naman daw si Ma'am na nagbabantay samin.





Ang ingay ng paligid. Puro mga studyante yung nakikita kong nakauniform na may nakatatak na FH sa mga nectie nila. Siyempre, mga kabataan pa yung iba sa Fontalejo High. Ang sabi pa ni Ma'am samin, yung mga Grade 7 at 8 ay e-uuwi daw sila pagkahapon dahil hindi sila dito pwedeng mag-stay ng gabi. Masyado dawng delikado dahil masyado pa silang bata at ang iba pa, hindi nakakatulog pag wala yung nanay or tatay nila sa kanilang tabi. Kaya mas mabuti pang pauwiin daw sila pagkatapos nito. Ihahatid naman daw parin sila ng School Bus pauwi. One day lang yung Tour nila dito sa School nato. Buti nalang, di nagbago yung samin. Threedays parin daw.





"Students. Wag kayong mawala sa paningin ko ha. As much as possibe, just stay here as much as you do." Anang Adviser namin tapos pinaupo kami sa mga bleachers ng Studen'ts Hall. At umalis na si Ma'am dahil pupuntahan ata yung mga ka-teachers niya. Dahil likas kaming pasawayin, kaniya-kaniyang alis at lakad yung mga classmates namin pagkaalis ni Ma'am. Sinaway sila ni Pres, pati ako nakisaway narin na wag magsi-alis kaso parang mga bingi lang yung mga kaklase namin. Yung iba, bibili daw muna sa Canteen kasi gutom na, yung iba naman, magpicture-picture daw muna. Yung iba, lumipat ng mga upuan, nakipagdaldalan sa mga kakilala nila na nasa ibang grade and section. Yung iba naman, sadyang pasaway lang dahil gusto lang daw nilang e-explore itong lugar. Naku, patay kami neto.




Mga nasa 15 nalang kaming natira dito sa bleachers. Katabi ko parin si Peach tapos sila Beryl at bakla sa gilid niya. Hinubad na din namin yung mga coat ng uniform namin. Mainit kasi talaga.





Hinalungkay ni Bakla yung bag niya. "Ayss. Naubos na yung mga Patata at Cracklings na dala ko. Wala na akong makain huhu. Kasalanan mo to Tombz." Anang bakla na mukang gutom na.




"Anong ako? Ikaw kaya yung nakaubos ng pagkain mo. Sinisi mo pa sakin. Hmp!" Nagcross-arms si Jade tapos may kinuha sa bag niya. Junkfood pa din. "Oh! Pasalamat ka may mga natira pa ako." Binigyan niya ng isang chippy si Oliver. Ngumiti naman ng malawak si Olivia tapos hinug si Jade. "Ano ba bakla. Yung kamay mo!"




 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon