Chapter 25: Lunch Together

2.1K 101 20
                                    


"Oy saan moko dadalhin?" Hanggang ngayon, hila-hila niya pa din ang kamay ko. Medyo napadiin pa nga ang paghawak niya sa kamay ko eh pero di na ako nagreklamo, kasi nung hinawakan niya kamay ko kanina, parang kinabahan na naman ako Shit.  Kaya nagpadala nalang ako sa kanya.




Wala na akong panahong mag-isip kung saan kami papunta. Di na kasi maayos ang paglalakad ko, tapos masakit pa rin yung noo ko. Di naman sobra pero mahapdi parin. Sapo-sapo ko lang sa isang kamay ang noo ko. Mukang tama pa ata si Beryl. May bukol ako. Shit naman. "Cassidy, saan ba kasi tayo pupunta?" Kanina pa ako tanong ng tanong pero inisnob lang ako. Di na ako magtataka, Psh.





"Don't Talk." Wow ang sungit ah. Ano kayang nangyari sa isang to. Bakit siya pa galit. "Tell me, who's responsible for this."




Automatic ko namang iniwas ang tingin ko. Luh nagtanong na siya. Ayokong sabihin sa kanya tsaka ayokong mapag-initan na naman siya ng bad Witch na yun. Kaya gagawa nalang ako ng kwento-kwento. Well, half true din naman to.




"Ahaha. Nadapa kasi ako kanina. Nakita mo naman diba. So kaya ayon. Hehe kaya nangyari to." Dinaan ko pa sa tawa ang sagot ko. Sana naman madala siya. Napa iling-iling lang siya sakin tapos umirap. Aba!




"Why so dumb." Wow ah. "Next time, don't swim if there's no water. Specially, if you can't find any fish in the area." Luh, totoo ba to? Inaasar niya pa ako? Aba't lumala na siya ah.





"Excuse me. May pumatid kasi PO sakin kaya PO nadapa ako. As if naman PO sinadya kong idapa PO ang sarili ko noh. Ano ako baliw." Di pa naman ako baliw para gawin yun noh. Psh.




"Yeah. You are cazy." Hanep ah. So narinig niya pala. Tapos natigil ako sa paglalakad dahil bigla din siyang tumigil at masungit na hinarap ako. "Don't use PO when you're talking to me because that irritates the hell out of me. Understand?" Masyadong bigdeal para sa kanya? Wow ah.
Napatango nalang ako ng wala sa oras bago hila niya padin ako na naglakad siya ulit. Nakarating kami sa Building at lumaki ang mata ko nung makita ko kung saan kami papasok. Shit naman eh. Di naman na kailangan.





"Yes? Students, what can I help you?" Anang nurse na nasa front desk. May ginagawang business.






Hila padin ako habang umupo kami sa white Couch nang masarhan na ni Cassidy yung glass sliding door. Nasa CLINIC lang naman kami.





"She's hurt." Bored lang na sagot ng kasama ko kaya kinulbit ko siya na di naman kalakihan yung natamo kong sugat pero ayaw niyang makinig.





"What happened to her?" Umalis na ang nurse sa table niya at lumapit samin. Nakalapit na siya sakin ng tuluyan. "It seems nothing problem here." Anang nurse nang makitang wala namang lagnat, trangkaso o malalang sugat na nangyari sakin. Sinabihan ko na nga si Cassidy eh na wag na ituloy ang pagpasok namin dito pero Wala. Tinuloy niya pa rin.





"Darn. Her forehead is badly hurt! Can't you see that? And it's not your job to find out what happened to her. Just get her medicines or something to make her feel better. Got that?" Okay? Bakit parang nag hysterical pa ata siya ngayon. Halata namang natakot yung nurse na nasa harap namin saka yumuko.





"Y-yes Ms. I'm sorry." Ngiting paumanhin yung ginawad ng nurse sakin pati na sa katabi ko. What the hell. Sinigawan ba talaga siya ni Cassidy? Bago pa ako makapag paumanhin din ng pasensya sa nurse dahil sa ginawa ng kasama ko ay wala na pala siya sa harapan ko. Bigla nalang umalis. Bumalik siya at iginaya kami sa loob ng Medical room niya. Pumasok naman ako kasunod si Cassidy. Hanggang dito ba naman sa loob sasamahan niya parin ako?





 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon