Chapter 29: Another Transferees?

1.7K 87 3
                                    


Walang gana akong pumasok sa School. Ewan ko ba, nagsimula to nong Sabado. Yung time na nakita ko siya at yung lalaki na nakaakbay sa kanya. Dalawang araw na din na hindi yun mawala sa isip ko. Dun ko lang napagtanto na marahil tama sila Jade. Baka nga boyfriend niya yun. Ano namang pakialam ko don diba? Edi fine. Bahala sila.


Pagpasok ko palang ng room, halatang maaga pa. Himala at maaga ako ngayon. Dumiretso na ako agad sa upuan ko. As always, andito na yung tatlo. Palagi naman tong maaga.


"Good Morning, bessy." Bakla.


"Morning, Shane." Jade.


"Bessy, Morning!" Peach.


"Morning." nginitian ko din sila bilang sagot tapos nawala narin agad yung ngiti ko. Wala talaga ako sa mood ngayon. Hayss ewan ko ba.



"Ba't aga-aga, lugmok yang mukha mo?" Inusad ni Peach ang upuan niya papunta sakin para mahawakan ako sa braso.



"Hindi ah." Agad kong sagot. Pinilit ko nalang ngitian siya. Dapat iwaglit ko na yun sa isip ko. Tama, di naman bigdeal yun. Ays.


"Okay? Di ako satisfied sa sinabi mo, Shane. Parang may bumabagabag sa isip mo. Ano ba yun? Makikinig ako." Ays. Mukang nakonsensya naman ako bigla. Gusto kong sabihin sa kanya kaso di naman bigdeal yun para mawala ako sa sarili ko ngayon diba. Get back to yourself, Shane.


Napansin ko namang tinitignan ako ni Jade. Parang may gusto pa siyang itanong sakin kaso mas piniling tumahimik nalang. Tas ayun, nakipagkulitan nalang kay bakla.


"Hahaha! It's a prank. Ok lang naman ako, Peach. Sus nag-alala ka?" Ngiting asar ko sa kanya. "Nagpanggap lang akong malungkot para tignan kung magtaka ba kayo. Hahaha!" Dagdag ko pa. Ayun, mukang nadala dahil mukang natigilan siya tapos umirap. Aba, attitude ka ghorl?


Tinampal naman niya ang braso ko.
"Hindi bagay sayo magdrama. Psh." Tinawanan ko lang naman siya. Actually, inalis ko na sa isip ko yung bagay na yun. Paki ko ba. Buhay naman niya yun. Bahala siya.


Sakto namang pumasok siya sa pinto. Nakatingin ako sa kanya. Parang badtrip na naman? Ays. Bakit ko nga ba siya tinitignan in the first place? Di naman kami close. Tsaka di ko pa naman siya kino-consider as a friend. Siya lang kaya nag-iisip na magkaibigan kami.


Dumiretso na siya ng upo sa likod ko. Ayshit. Nga pala, sa first sub namin ngayon, dito siya nakaupo sa likuran ko. Ayts naman.


Bago pa siya makaupo, nakita ko pang tinignan niya ako pero iniwas ko na tingin ko sa kanya. Ewan ko, parang di ko siya feel pansinin ngayon. Bahala na siya.


Ilang sandali pa, dumating na rin si Ma'am at may kasama siyang..... dalawang Studyante?


"Good Morning, ABM-A. Nais ko lang ipaalam sa inyo na may bago kayong kaklase sa araw na ito. Galing pa silang Japan pero marunong naman daw silang magsalita at umintinde ng Tagalog. So please be nice to them."



Gulat kaming nakatingin sa harap. Luh? Transferee na naman?


"I know hindi niyo inexpect to. But okay lang naman dahil di pa naman tayo mag e-exam. May oras pa silang magsubmit ng mga requirements at after all, yung Head ang nag decide na dito sila ilagay sa Section niyo. And I know, ok lang yun dahil kunti lang naman kayo dito." Bumaling si Ma'am sa mga kasama niya. "Magpakilala kayo, Students."



 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon