Chapter 13: Trouble

2.2K 97 9
                                    


Di ko aakalain na makakapag-usap kami ng ganun kahapon. Di ko din aakalain na magkasabay kaming kumain sa mesa. Sobrang tahimik ko lang nun dahil kinakabahan ako. Tahimik lang din naman siyang kumakain that time. Pero di talaga maalis sa isip ko yung mga nangyari. Biruin mo, nakausap ko siya ng matagal. Tapos hindi ko lubusang inakala na ibabahagi niya sakin yung buhay niya. Na para bang, pinagkakatiwalaan niya ako ng sobra? Kasi diba, akala ko sobrang isnob na talaga yun at malimit lang kung magsalita pero kita mo nga naman kahapon, sobrang daldal. Tinanong pa ko tungkol sa ex ko. Hmp. Siguro, nagiging madaldal siya pag nasa bahay lang siya. Ganun na nga siguro.




"Hoy Shane. Lutang ka na naman." Anang Peach na nakapagbalik ng diwa ko. Taka niya kong tinignan at ini-examine yung mukha ko. Ano ba to? Bigla nalang sumusulpot. "May problema ba?" Dagdag pa niya na ikina-iling ko. May iniisip lang, problema agad?




"Wala. Asan na pala yung dalawa?" Pag-iiba ko ng topic. Di ko din kasi napansin kanina na wala na sila bakla sa gilid namin.
Nasa Shedhouse kasi kami ngayon sa Quadrangle. Vacant yung 1st Period namin ngayon kaya Stambay muna kami dito.




"Andun sa Oval. Mukang pinagtitripan ngayon ni Jade si Olivia." Kapakuwang sagot niya.
Di parin kasi magkabati yung dalawa. Kailangan daw munang pahirapan ni Beryl si bakla para mapatawad niya si Oliver sa ginawa sa kanya. Napaka mean talaga ng babaeng yun.




"Tara tingnan natin." Salita ko at ako na mismo ang humila kay Peach patakbo.




Pagkarating namin, kitang-kita namin ni Peach kung paano nanginig yung mga kamay ni bakla at mukang panay yung reklamo niya sa pinapagawa ni Beryl. Ano kaya yun?




Mas lumapit pa kami sa kanila.



"What the! Kailangan ko ba talagang gawin to? Wag mo naman gawin to sakin, bessy." Reklamo ni bakla. Pinipilit niyang kaawaan siya ni Jade pero asar lang na umiiling-iling si Jade.




"Akala ko ba gusto mo nang magbati tayo?" Beryl.




"Oo. Ba't kasi ayaw mong tanggapin yung sorry ko. Ba't nagpapaka bruha ka pa." anang bakla na inikutan pa ng mga mata si Beryl.




"Anong bruha? Gusto mo tusukin ko yang mga mata mo? Gawin mo nalang kaya yung pinapagawa ko sayo." Naka-cross arms pang sabi ni Jade.




"Eh. Girl ako eh, ayoko maging boy. Ikaw nalang kasi. Tutal ikaw naman may crush non." usal pa ni bakla. Teka, Natatawa kami ni Peach ngayon sa nakikita namin. Lalaking-lalaki yung buhok ni bakla Haha. Parang nilagyan pa ng Gel. Si Beryl ata nag-ayos nito. Hayp. Nakikita naming may dala-dala siyang rose tapos parang may chocolate pang kasama tapos letter sa card. Shit. May balak ba tong manligaw si bakla?




"Eh sino ba kasi yung nagpahamak sakin ha? Tapos lalaki ka hoy. Ayaw mong gawin? O sige, di na tayo bati. Poreber." Mukang seryoso pang saad ni Jade kay bakla.




Lumugmok naman yung mukha nung isa tapos nanginginig na naglakad paalis. Papunta ata dun sa may nagkukumpulan na mga studyante sa may bleachers nitong Oval. Saktong pagtalikod ni bakla ang siyang paghagikhik ni Beryl. Pinagtritripan niya talaga si bakla. Grabeng babaeng to.




"Hoy. Anong pinapagawa mo kay Olivia?" Agad na tanong ni Peach nang makalapit kami sa tabi ni Jade. Mahina paring humahagikhik. Haypp nato.




"Shit Hahaha. Tingnan niyo manliligaw na si bakla Haha. Ginawa kong lalaki. Kailangan niya kasing manligaw dun sa crush ko. Tutal siya naman sumigaw nung araw na yun eh. Edi aakuin niya yung responsibilidad niya. Tingnan lang natin kung kakayanin ba niya." Beryl.




 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon