Chapter 40: Our Night Together

2.1K 94 16
                                    


"Ahh Haha. Nagjoke kaba." Lumayo ako kunti sa kanya. Pano ba naman, ang lapit niya masyado. Tsaka parang nakakaano yung sinabe niya ah. Spend the night with me daw. Hmp. Pambihira.



"I'm not kidding. I'll stay here too." Tae, yung mukha niya, walang pinagbago. So seryoso nga? Aist.



"Pero hahanapin ka nyan sa inyo." Turan ko. Bakit niya pa kasi naisipang mag stay dito?



"I already told my butler about it. My Dada as well. So no worries." Direktang sabi niya. Akalain mo to, mukang pinag-isipan talaga eh noh?



"Pero kahit na. Sure ka ba na mag stay dito? Pano pag-ayaw ko?" Patuloy ko pa.


"I never take no for an answer." Da heck.


Aish. Naman oh. Ba't ba naisipan pa nitong magstay dito.



"Uhm..Ate Cassidy? Mag e stay karin po ba dito?" Tanong ni Eunice. Narinig pa ata ang pinag-uusapan namin.


Tumango naman si Cassidy.
"Yup."


Binalik ko yung tingin ko sa babaeng kaharap ko. Hindi ko siya pwedeng payagan na mag-stay dito ngayong gabi dahil bukod sa maliit lang yung space ng kama ko, di kami magkakasyang tatlo dun dahil andito rin si Eunice. Okay lang sana kung kami lang ni Eun pero andito siya eh. So pano kaming tatlo magkakasya dun? "Pero Cassidy bawal talaga eh—"



"Please ate Shane? Let her stay for this night po. Please?" Si Eun habang hinahatak ang laylayan ng damit ko. Nagpout pa ulit. Hayss, makakatanggi pa ba ako sa batang to? Ginamitan na niya ako ng cuteness niya eh.


"Hayss sige na nga." Napakamot nalang ako sa batok ko. Sa sahig nalang siguro ako matutulog mamaya. Sila nalang ni Eunice ang magtatabi sa kama.


"Thanks ate Shane!" Lumukso si Eun dahil sa tuwa. Kaya yumuko ako at kinarga siya.


"Pero nasan muna yung kiss ni ate, Eun?" Sabay pisil ko sa kanang pisnge niya. Nakakamiss talaga tong batang to.


"Hihi eto na po." Hinalikan niya yung kabilang pisnge ko.


"Kulang pa." Pinakita ko pa sa kanya  yung kabilang pisnge ko.


Kiniss rin naman niya yon.
"Mwahh!"


"Eto pa." Sabay turo ko sa noo ko.


Nag giggle naman siya tas kiniss din yon.


"At eto." Sabay turo ko sa lips ko. Natawa ulit siya. Pero ako na yung lumapit sa kanya para ikiss na sana yung napakacute niyang mumunting labi dahil palagi ko siyang kinikiss dito, nang bigla nalang.. may tumikhim sa harapan namin.


Natigil ako at napatingin kay Cassidy. Nakacross-arms siya at ang sama ng tingin sakin. Oh, ano na naman ba ang kasalanan ko?



"Yeheyyy. Mag e-stay rin dito si Ate Cassidy. I'm so happy." Ibinaba ko na  si Eun dahil gumalaw siya. Gusto na daw niyang bumaba. Lumapit siya kay Cassidy. "So you will sleep here din po ate Cassidy?" Tumango naman si Cassidy kaya tuwang-tuwa siyang niyakap ni Eun. Aba, kailan pa sila naging close? 'Eun, close na kayo?'



Nasa bata na ang atensyon niya. Nawala narin ang busangot niyang pagmumukha tsaka nginitian si Eunice. Woahh, ngumiti na siya sa bata. Aba.



 Destined With Her (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon