Chapter 1

134 6 2
                                    


"So class, malapit na kayong grumaduate kaya sana behave na ha" lintanya yan ng adviser namin bago umalis. Mabilis makasundo si Ms. Cruz, dahil narin siguro sa di nalalayong edad nya sa amin. At tulad ng dati, nagsimula ng magsigawan sa klase dahil sa tuwa na gagraduate na kami. "Iwasan nyo na din ang umalis-alis, di naman masamang sumunod sa pamahiin pero magingat ang lahat. Lalo na kayo" sabay turo sa grupo ng magkakaibigan sa gitna- samin."kayo pinakapasaway dito".

"Ma'am kami nanaman nakita nyo, pumapasa naman po kami a" sagot ni Jerome, ang loverboy ng barkada. Saksakan ng babaero, hindi tumatagal sa isang relasyon. Siguro pinakamatagal na ang isang buwan, madalas nyang ikatwiran na ayaw nya sa commitment dahil daw masyadong makapit ang mga babae. Nakikipagdate lang sya, makikipaglaro, magsisiping pero walang emosyon na kasama. Minsan nga nakasama ko sya sa morning run, nagsintas lang ako pagtingin ko may kasama na sya agad. Take note, hindi isa, hindi dalawa. Tatlo!

Gwapings naman kasi kaya ayan, nilulubos na nya ang God given face nya. Hanggang sa makatagpo nya si Pat, ang babaing version nya.

"ay oo nga no, pumasa ka. Naka 15 ka naman" sagot ni Ms. Cruz habang dahan dahan na lumalakad papalapit kay Jerome.

Muling naghiwayan ang buong klase, chini-cheer si Jerome. "thank you! thank you" pabiro nitong sabi habang kumakaway sa hangin.

"naka 15 ka, e up to 90 ang test! niloloko mo bako?" pagalit na bulyaw nito pero sabay parin sa biruan ng klase. Pinitik nya pa ang tenga ni Jerome sa gigil nito.

"Nako ma'am, pano naman pong di babagsak yan e di naman nag-aaral yan! puro Pat ang alam" pagsegunda pa ni Ana. Ang pinakamatalino sa klase, utak bago puso, ganyan mo makikilala si Ana. Lahat may sagot, lahat may dahilan. Hindi sya naniniwala sa isang bagay na walang eksplenasyon, at higit sa lahat ayaw nya ng natatalo. Panlaban sya ng school sa iba't ibang competition. At syempre sya ang nananalo, di ko nga alam kung natutulog pa yan e.

"kasalanan ko ba na maganda ako? at patay na patay sakin si Jerome?" banat ni Pat sa gitna ng usapan sabay hawi ng buhok. Samin magkakaibigan, sya ang fashionista. Maayos sa sarili, alam nya kung ano ang gusto nya. Malakas ang loob at malaki ang tiwala sa sarili. Araw araw laman ng mall, wala kang masasabi sa kabaitan nya. Mabait kung mabait yun nga lang mejo ano, hehe. Bad word pero mejo kire.

Masaya ang klase na to, kahit magkakaiba kami ng mga ugali ay nagkakasundo kami.

"Tama na yan kawawa na si Jerome, Osya goodbye class. See you tomorrow."




"Bye Ma'am!"




Lumabas na si ma'am. Bakanteng oras, kanya-kanyang mundo ang lahat. Buti nalang at katabi ko si Che at Ian kaya di ako bored.

Pinagmasdan ko si Che na natutulog, si Che ang bunso ng barkada. Hindi dahil sya ang pinakabata kundi dahil sya ang pinaka inosente. Mabilis mabiro at maloko, hindi pa nagkakaboyfriend kaya gustong maranasan pero takot naman magpaligaw. Maganda sya, mabait. simple. Kung ako lang talaga, hayst. Matalik nyang kaibigan si Ana, magkakilala na sila mula elementary kaya halos di mapaghiwalay ang dalawa. Supportive naman kaya to! Haha kung si Ana magaling sa academics, si Che miss universe sa pakikipagkaibigan. Sporty e.


At ang isa pa ay si Jinky na kanina pa nagse'cellphone at tila bay walang pakielam sa kasiyahan. Matapang at may pagkamataray. Bestfriend sya ni Pat pero laging kaaway si Jerome. Sila ang aso't pusa sa magkakaibigan. Minsan kasi nahuli kong nagtatalo yung dalawa, di ata boto si Jinky kay Jerome. E di ko naman sya masisise. Napakababaero kaya nito.





"Tian! May kwekwento ako sayo" bigla akong kinuhit ni Ian na nasa kaliwa ko. Mukang magsisimula na ang araw ko.

"Oh ano nanaman yun, baka kalokohan nanaman yan a!"
Wala kayang matinong kwento tong si Ian, ewan ko ba bat pako nakikinig.

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon