Che's POV
Panibagong araw nanaman, palapit na ng palapit ang graduation day pero hanggang ngayon di parin alam kung nasan sila Pat at Jerome. Alas otso na ng umaga, ilang minuto nalang at dapat nagsisimula na ang klase pero wala parin si Ms. Cruz, hindi naman siguro dahil sa naging sagutan nila ni Ana kahapon.
"wala ba si Ma'am? baka walang pasok!" sigawan ng mga kaklase ko , kahit kailan talaga ang mga to mga excited kapag walang klase. Nagintay pa sila nang naghintay, nang naghintay...
"Good morning class" Isang bagong muka ang pumasok sa room. "ako si Mr. David. ang bago nyong adviser".
Matipuno, nakasalamin at mukang matalino ang bagong guro na pumasok sa klase. Kung pagmamasdan mo sya habang pumapasok sa room, napakaaliwalas ng mukha nya. Siguro nasa 23 hanggang 25 lang ang edad nya base sa muka, pero nasan na si Ms. Cruz, "ah sir?" nagtaas ako ng kamay para magtanong at nagbigay hudyat naman si sir para makapagsalita ako. "ilang linggo nalang po graduation na, bakit po kailangan pang umalis ni Ms. Cruz?" nagsunod-sunod ang bulungan at pagsangayon ng mga kaklase ko. Tama naman hindi ba?
"Ang totoo nyan, hindi ko din alam. Tinawagan lang ako dahil nga daw kailangan nila ng magtuturo, that's why I'am here." Napakagaling nyang magsalita, parang mapapatigil ka nalang para makinig sa kanya. Sino kaya ang lalaking to? Sa gitna ng usapan ay biglang may kumatok. Bigla akong kinabahan, dati naman natutuwa pa nga ako kapag may tao kasi nahihinto saglit ang klase. Pero ngayon parang iba na. Parang may masamang mangyayari...
Pero wag naman sana.
"class I'll be back, sandali lang". Pagbukas ni Sir David ng pinto ang nanay ni Jinky.
Kumabog ng napakalakas ang dibdib ko, si Jinky? Sandali pa dumating nadin ang mga magulang ni Pat at ni Jerome.
"Don't tell me pati si Jinky nawawala" tanong ni Ichan. Ngunit ang pinakamalaking katanungan ay ang pagdating ng isang lalaki na nakasumbrero na nagpakilalang guardyan ni Ian.
"Mr. Rivera, can we have a word with you?" sabi ni Sir David.
Pagulo na ng pagulo ang lahat, bakit pinapatawag si Ian? Nilapitan ni Ana si Ian. "okay ka lang ba?". Ngumiti naman ito bago lumabas.
"Guys"
Isa sa mga kaklase nila ang nagmamadaling pumasok sa room. "May mga pulis sa labas! Sabi nila isa raw sa mga estudyante dito ang may kinalaman sa pagkawala nila Pat!"
Pero sino? Pare-pareho ang tanong na umiikot sa utak ng lahat. Sino? Sinong gagawa nito...
"Hindi kaya si Ian?" isang blankong ideya mula kay Ichan ang lumabas. "Isipin nyo nga, pinatawag si Ian kasama ang mga magulang nila Pat! Ano naman ang ibig sabihin non?"
Biglang nagtayuan ang mga kaklase namin,habang nagaayos ng gamit na parang magsisiuwian na "san kayo pupunta?" tanong ni Ana sa kanila.
"Suspended na ang klase natin" sagot ng isa sa kaklase namin bago tuluyang umalis.
"Ganon naba talaga kalala ang mga nangyayari? Kailangan pang isuspinde ang klase? Puntahan kaya natin si Ian?" suhestiyon ni Ichan.
"Bawal tayo dun, for sure di nila tayo papapasukin" may punto naman si Ana pero bilang kaibigan ay kailangan naming malaman ang nangyayari.
"Pano na to? Anong gagawin natin? Di naman natin pwedeng basta pabayaan si Ian" nagaalala nako, bakit kailangan ipatawag si Ian?
"Bakit naman hindi? what if, totoo ngang may kinalaman sya. Di kaba natatakot na baka pati tayo madamay?" paliwanang ni Ana sabay kapit sa kamay ko. Biglang naging maamo si Ana pagkatapos ng usapan nila ni Ms. Cruz, tila bumalik na ulit ang dating Ana. Minsan di ko na sya matignan sa mata, natatakot ako. Baka ibang Ana ang makita ko.
BINABASA MO ANG
Death Game
Mystery / ThrillerSa dami ng kasamaan sa mundo, ano nga ba ang pinaka mabigat? A group of friends decides to travel to an infamous haunted house with a rumoured tragic past, which they thought could be a fun place to hang out to. But what they didn't know is there'll...