Che's POV
Wala na si mama. Wala na sya...
Kung di dahil sakin di sya mamamatay. Kasalanan ko to e. Kasalanan ko to.
Pabalik na kami kela Lance, sabi nya kasi si Ryan nalang daw muna don at ayaw daw nya na makita ko pa ang mga susunod na mangyayare.
Sa dami ng nangyare magmula ng pumunta kami sa Sta. Lucia, ngayon ko lang mas nadama ang bigat ng sitwasyon. Naiintindihan ko na sila, yung sakit ng mawalan. Mas naintindihan ko na.
Wala na si mama, wala na ang tangi kong pamilya.
Galit ako, galit na galit ako. Gusto kong manakit, gusto kong umiyak. Gusto ko nalang mawala, bakit ba kailangang umabot pa sa ganito? Bakit kailangan pang may mawala!
"Uminom ka muna" nilapitan ako ni Lance sabay abot ng isang basong tubig.
Hindi ako makapagsalita, walang lumalabas sa bibig ko. Hindi nagpoproseso ng tama ang utak ko. Blanko.
"Matatapos din ang lahat ng to" sabi nya atsaka nya ko niyakap.
Nakaramdam ako ng muling panghihina sa ginawa nya, bumagsak ang buo kong katawan sa mga bisig nya. Muli akong umiyak.
Sa pagpikit ko, biglang may nabuong isang scenario sa isip ko.
Mga pagpatay, talsik ng dugo, pag-iyak, sigawan. Nakakatakot. Tanging mga mata lang nila ang nakikita ko ngunit sapat na yon para masabi ko ang takot nila.
May tunog din ng hinihilang itak, may babaing naglalakad kapit ang kutsilyong puro dugo sa kanang kamay at isang hugis kahon na papel sa kanan. Hindi ko sya makilala dahil sa dilim.
Hugis kahon na papel?
BARAHA!
Tumigil ang babae sa paglalakad. Haharap ba sya?
Oo tama! Humarap ka para makilala kita!
Bago ko pa man makita ang muka ng babae ay natauhan ako bigla, "Che?" niyugyog ako ni Lance kaya naman napamulat ako. "Ayos ka lang? Para kang binabangungot"
Ako? Binangungot sa ganon kaikling panahon? Parang pumikit lang ako sandali.
Tumango lang ako biglang pagsagot at muli syang niyakap.
Dito muna ako, kasama sya. Pakiramdam ko ligtas ako sa tabi nya, nawawala ang bigat sa dibdib ko kapag kasama ko sya kaya gusto ko dito lang sya.
Lance' POV
Umuwi na muna kami ni Che, naiwan si Ryan sa crime scene at ilang mga pulis. Nagdatingan nadin ang mga media.
Di magtatagal mababalita na ang lahat ng to, sa loob ng isang linggo ay sunod sunod ang mga naging pagpatay.
Walang awang pinagpapapatay ang mga biktima, parang hasa yung gumagawa non. Mala-serial killer, o may sira sa utak. Di manlang sya naawat at binabasag nya talaga ang mga mukha ng biktima nya. Parang sanay na sanay sa dugo, sa patayan.
Parang demonyo.
Ngayon alam ko na, sigurado ako na kung sino man ang gumagawa nito, yun ang matagal na naming hinahanap. Sya ang death card.
Ang pinagtataka ko lang ay ang baso sa kwarto ni Che kung san nakita ang katawan ng biktima. Bakit doon? Sinong huling nakasama ng ina nito at may mga basong tila ba'y kagagamit palang.
BINABASA MO ANG
Death Game
Mystery / ThrillerSa dami ng kasamaan sa mundo, ano nga ba ang pinaka mabigat? A group of friends decides to travel to an infamous haunted house with a rumoured tragic past, which they thought could be a fun place to hang out to. But what they didn't know is there'll...