Itian's POV
"Tama na! Babalik tayo!" sigaw ni Che.
Natahimik ang lahat sa biglang pagsigaw nya, minsan lang maging ganon si Che.
"Bukas. After graduation. Babalik tayo sa bahay. Tatapusin na natin ang laro"
Wala ng sumagot pa, saglit na nabalot ang buong paligid ng katahimikan. Ang tapang nya. Handa naba talaga sya sa pwedeng mangyari kapag bumalik kami? Sa kabila ng lahat ng to, isa lang ang sigurado ako.
Kailangan mong pumatay para mabuhay.
"Tatapusin na ang laro? Alam mo naba kung pano laruin?" tanong ni May.
"Sabi ni Ana, hanggat di natatapos ang laro mas marami ang madadamay" sabat ni Jacob.
Pwedeng madamay ang pamilya ko, si May. Pero tama si May, pano namin tatapusin ang isang bagay na hindi namin alam pano nasimulan.
"Parang pyramid, pero yun na nga e. Yung laro na mismo ang hindi natin alam! Osige, kung sabihing kailangan lang malaman ng light card kung sino ang death, ano na sunod? Ano yun ituturo lang? Kung ganon bat kailangan may mamatay?" mas nagiguilty ako kasi di ako makatulong, gusto kong sabihin sa kanila yung mga gusto nila marinig pero di ko alam e.
"Pano kung sa pagtagal pa nito, kami na ang sumunod?" takot na tanong ni May.
Nakayuko lang sya at magkakapit ang dalawang kamay, para syang bata na natatakot mapagalitan. Inamba ko ang kamay ko para hawakan sya, para sabihing hindi mangyayari ang kinakatakot nya, pero pano kung hindi?
Pano kung tama nga sya?
Kinapitan ko lang sya ng mahigpit, oras na mahawakan ko sya, sinuklian nya lang ako ng pilit na ngiti.
Nakatitig lang ako sa kanya...
Parang camera na biglang nagzoom sa mga mata nya, nakita ko ang sarili ko.
Nakita ko sya,
Tumatakbo.
Takot, bigla syang nadapa. Umiiyak sya, kita ko ang mga sugat sa mukha nya.
Nanlaki ang mga mata nya, nagsimula syang makiusap na wag syang patayin. Isang malakas na sigaw at muli akong natauhan.
Si May?
Nakita ko ba ang kinabukasan?
Nanginginig ako sa takot, kinapitan nya ako sa braso at tinanong kung okay lang ba ako.
Agad ko syang niyakap, ang lamig ng katawan nya. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko, "Itian? Anong problema?" mahinahong tanong nya.
Alam kong nagsasalita din sila Che at Lance pero parang mga echo na palabo ng palabo, pahina ng pahina hanggang sa wala nakong maintindihan.
Isa nanamang scenario ang lumabas mismo sa may harapan ko.
Nakita ko ang mga baraha!
Nakahanay sa isang banig, tanging ilaw mula sa kandila ang gabay ng buong silid.
May isang lalagyan, punyal at pirasong papel.
BINABASA MO ANG
Death Game
Mystery / ThrillerSa dami ng kasamaan sa mundo, ano nga ba ang pinaka mabigat? A group of friends decides to travel to an infamous haunted house with a rumoured tragic past, which they thought could be a fun place to hang out to. But what they didn't know is there'll...