Chapter 19

47 5 1
                                    


Itian's POV

Anino?

Yung anino kanina, yun kaya? Sinong may-ari non?

"Kailangan natin bumalik, si Ana ang kasama ko ng mawala ako. Nandon pa sya sa loob ng bahay. Delikado buhay nya." grabing pagaalala nya kay Ana.

Sandali pa, nawalan nanaman sya ng malay. Parang hinang hina sya.

"Andon pa daw yung Ana, anong gagawin natin?" tanong ni May na inaayos ang pwesto ni Jacob.

"Hindi ko na alam" dismayado ang boses ni Sir.

Nang biglang tumunog ang telepono nya.

*kring kring

"Ryan bakit?" pagsagot nya.

Baka may update na kung nasa si Che.

"Papunta nako!" nagmamadali syang umalis, di na kami nakapagtanong pa.

"Ano kayang nangyare dun?" tanong ni May.

"Baka tungkol kay Che. May lead na siguro, di naman yun magkakaganyan kung di tungkol kay Che e"

"Pano to? Anong gagawin natin dun sa Ana? Kung totoong nasa panganib nga yon, diba dapat kumikilos na tayo?" may punto sya, at ganon naman talaga dapat. Pero ano bang dapat namin unahin? Sabay sabay ang mga pangyayari, ni hindi na pumapasok ng tama sa utak ko.

"Hintayin natin magising tong si Jacob atsaka si Sir. Di naman tayo pwedeng basta sumugod dun ng di tayo handa. Atsaka tapang tapangan ka nanaman" tong babaing to di nagiisip, sabak ng sabak sa gera.

"Eh ano bang problema mo?!" sagot nya sabay lapit sakin.

"Nung sa operation ni Ryan sumasabak ka kaagad, pano kung napahamak ka dun?!" dare-daretso ang sagutan namin.

"Eh ano naman sayo!"

"Kasi-" di ko naituloy yung sasabihin ko, oo nga. Ano nga naman sakin. "Ang ingay mo, kapag nagising yang si Jacob!"

Nagmadali nalang akong lumabas ng kwarto at hinabol ang hinga ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Normal pa ba to?


Lance POV

Nagmamadali akong pumunta sa opisina, nandon si Ryan at si Rachelle. May lead na daw sya kung nasan si Che.

Pagdating ko dun, nakaupo si Rachelle at parang iniinterogate ni Ryan. Napatingin sakin ang dalawa sa pagpasok ko.

"Maniwala kayo sakin, di ko alam" pilit ni Rachelle.

"Alam ang ano?" tanong ko. Anong nangyayare dito?

"Anong kinalaman mo sa pagkawala ni Che?" tanong ni Ryan na ikinagulat ko, panong sya? "Anong relasyon meron ka sa mga Rivera!?"

"Bat ba di nyo nalang sila pabayaan?"
Ano? Anong pabayaan? "Pabayaan nyo na sila"

"Anong sinasabi mo?" di ko na maintindihan kung anong nasa isip nya.

"Mahal nila ang isa't isa. Bat di nyo nalang sila hayaan?"

Ano? Mahal? "Anong sinasabi mo?"

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon