Chapter 7

38 5 1
                                    


Ana's POV

Pagkaalis nila nagpatuloy ako sa paghahanap. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa sa buhay ni Emma...


~Jsisnekenekenelenieneekeoemk

Isang araw, sugatang naglakad si Emma pauwi ng makita ito ng nagiisa nyang kaibigan na si Karen. Agad syang nilapitan nito.

"Anong nangyari sa iyo? Sila nanaman ba?" walang naisagot si Emma sa tanong ng kaibigan maliban sa isang iyak. Hindi na nya napigilan ang sakit na kanina nya pang iniinda.

Umuwi sya at hindi na muli nagpakita sa eskwelahan. Mabilis na lumipas ang mga araw at walang bakas ni Emma ang lumitaw.

Hanggang sa isaw araw, sunod sunod na natagpuan ang mga bankay ng tatlong estudyante. Kinilala sila na si Ezra, Belinda at Lizeth.

Sa pagaalala ni Karen sa kaibigan sapagkat ito ang itinuturong may kagagawan sa pagkamatay ng tatlong dalaga ay pinuntahan nya ito sa kanyang tirahan at doon nya nakita ang katawan ng matalik nyang kaibigan.

Nagpatiwakal si Emma sa loob ng kanyang kwarto. Napapalibutan ito ng mga kandila, isang duguang patalim at ang yapos yapos nitong mga baraha.

Naging matahimik ang bahay na iyon pagkatapos mamatay ng nagiisang anak ng pamilya Resurrecion. Inilibing si Emma ngunit ang lahat ng kanyang mga kagamitan ay iniwan sa kanyang kwarto. Naniniwala ang pamilya nito na hindi umalis si Emma. Hindi nawala si Emma.

Jsjekeoenneekkernkrnrkrjdkk~


So haunted nga yung bahay? Pero imposible naman na yun ang dahilan ng lahat ng to.

Sinubukan kong tawagan sila Che pero di na sila sumasagot. Lumabas ako para hanapin sila pero wala. Hanggang sa makasalubong ko si Jacob.

"Asan sila?" tanong ko.

"Nahuli sila Che panigurado nasa labas na sila ng Campus, sinundan naman ni Ian at Itian sila Che" di manlang nila ako naalalang balikan?

"Ah ganon ba?" wala manlang nakaalala sakin. Lahat sila nakatuon ang atensyon kay Che. Si Che nanaman.

"Nga pala, may nahanap ka?" buti nalang nandito pa si Jacob. May makakasama pako.

"Meron. Alam ko na yung kwento ng bahay sa Sta. Lucia kaso mejo malabo kasi na involved yun sa nangyayari samin"

"Bakit? Ano daw bang sabi?" tanong nya.

"Totoong may nagpakamatay sa bahay nayun, at pinaniniwalaang nandon pa din yung spirit ni Emma"

"Eh kung maghanap tayo ng info tungkol sa mga recorded cases sa bahay na yun? Baka may makuha tayo dun na similar sa inyo"

"yung seniors" mula sa kung saan ay lumabas to sa bibig ko. Anong kinalaman ng mga taong matagal ng patay? Sampung taon na ang nakalipas ng pagusapan ang naging kamatayan nila. Anong koneksyon non?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jacob. Miski naman sino ay magtatanong din. Imposible na may kinalaman yon. Malabo. Hindi, malayo. Pero, baka lang kasi.

"What if magtanong tanong kaya tayo about sa nangyare sa seniors" baka sakaling may makuha na kaming impormasyon
.

"Ano naman konek ng seriors dito?" tanong nya.

"Yung bahay." kahit naman ako ayokong maniwala sa lahat ng to. Gusto parin ipilit ng utak ko na may taong nasa likod ng lahat ng to. Baka kidnap, o sadyang naglalayas lang sila pero hindi e. Nawawala ang mga kaibigan ko at nagsimula ang lahat ng yon nung nagpunta kami sa Sta. Lucia
"Look, nagsimula lahat ng to after naming pumunta sa bahay."

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon