Che's POV
Pauwi na kami, pero nakasalubong pa namin yung babaing nagpakilala kanina.
Babanatan ko na ba to?
Naku naman! Lalapit pa, di ba to maalam magt-shirt? Kailangan nakabra?
"Balita ko hanap nyo daw si Micah" mapang-akit nyang sabi habang pinapadulas ang kamay nya sa muka ni Lance.
"Ehem ehem" matauhan ka nawa. "Oo bakit?" sagot ko sabay pagitna sa dalawa. Nakita ko naman na napatawa si Lance ng bahagya.
May nakakatawa ba?
"Kaibigan ko sya, ako ang nagpasok sa kanya dito" anong alam nya kay Micah? "So ngayon ba, papansinin mo nako?" malantod talaga ang babaing to. Di ba sya nakakahalata?
Sabagay, wala naman ako karapatan. Pero hindi, kahit na!
"Anong alam mo tungkol kay Micah?" tanong ko.
Tinawanan nya lang ako at muling tinignan si Lance, "sya ang gusto kong kausap"
Yung level ng init ng ulo ko mula nung nagsimula ang lahat ng to nadoble dahil sa babaing to. Nagha'high blood ako.
"Ako na dito" natatawa nyang sagot sabay hila sakin papunta sa likod. Seryoso ba sya?
"Well, ganito kasi yun" kahit mainit na ang ulo ko ay pinakinggan ko ang sasabihin nya pero bigla syang tumigil, nagtaka ako kaya naman tinignan ko sya. At nakatingin sya sakin. "Sorry a. Pero pwede bang kami lang?"
Napapabuntong hininga nalang ako sa ikinikilos ng babaing to sakin. Gusto ko ng manakit!
"Mauna ka nalang muna sa sasakyan, susunod ako agad"
Tumigil ata sa pagfunction yung utak ko. Sandale, seryoso ba sya? Mabigat ang mga paa ko pero naglakad ako papunta sa sasakyan. Sampung minuto na sila don a, ang tagal. Sabi sandali lang. Tawa pa sila ng tawa, nageenjoy?
Ilang minuto pa natapos din sila. Pumasok sa kotse si Lance na malaki ang ngiti, napaka insensitive. Pero kung tutuusin, makakuha naman kami ng impormasyon kaya sige na nga, pero masama parin ang loob ko.
"Sorry natagalan" sabay paandar ng makina.
Pumikit nalang ako kaysa maghurumintado. Wala naman kasi talaga akong karapatan. Kaya hinga ka lang Che, kalmahin mo sarili mo.
Inhale...
Exhale...
Hajsjdjdnejehsjkswkksskenk~
"Babalik na sila para tapusin ang laro"
Isang matandang babae na nakatalukbong ang lumilitaw mula sa kawalan, mula sa madilim na kapaligiran.
"Babalik na sila para tapusin ang laro"
Paulit-ulit. Mawawala, babalik.
Malayo tas lalapit.
Unti-unti ng sumisikip ang dibdib ko, hindi ako makahinga.
Para akong nasa isang kwarto na sobrang dilim. Ramdam ko ang pagliit ng espasyo sa paligid ko. Parang iniipit ako ng dalawang malaking pader.
"Magiingat ka"
Napakapula ng mga mata nya. Wala akong ibang nakikita kundi ang mga mata nya.
"Wala kang magagawa. Kailangan matapos ang laro. O ang laro ang tatapos sa inyo"
Mula sa malayo ay nakita ko ang isang tao.
BINABASA MO ANG
Death Game
Mystery / ThrillerSa dami ng kasamaan sa mundo, ano nga ba ang pinaka mabigat? A group of friends decides to travel to an infamous haunted house with a rumoured tragic past, which they thought could be a fun place to hang out to. But what they didn't know is there'll...