Itian's POV
Biglaang nawala si Che kaya naman si May ang napwesto sa paghahanap ng booklet, ang dating croptop lang na suot ay pinahubad na nila, bra nalang ang suot ni May at napaka ikling shorts! Bra! Nanginginig na ang laman ko sa nerbyos.
"Ano ng nangyayare sa loob?" tanong ko kay Ryan na alam ko namang naririnig ako.
"Wala pang update, di pa sya nagsisignal" e pano kung nahubad! Nakakabaliw tong mga pulis nato!
"Men! Signal received, move!" ayan na! Naghanda na kaming sumugod.
"Sir dito nalang po kayo" lalong uminit yung ulo ko nung pinigilan ako nung pulis.
"Wag mo ko simulan, girlfriend ko yung nasa loob!" hindi ko din talaga alam kung bakit ko sinabi yon, binago ako ng babaing to. HIndi ko masabi kung pano pero malaki ang naging epekto nya sakin.
"Pero sir di po talaga pwede, delikado po" makikipagtalo pa sana ako e, sumabat na si Ryan, "hayaan mo na, ready. Now"
Para kaming nasa pelikula. Sumama ako sa group na sumugod sa kwarto, ang ilan naman ay naiwan sa labas para di magkagulo at walang makaalis.
Pinasok namin ang kwarto at nakita kong nakadagan na ang lalaki kay May, sumugod ako agad sa galit ko! "Ano to!" sigaw nung lalaki. Agad syang naglabas ng baril kaya hinila ko si May at tinakpan ito.
Nagkaputukan na sa labas, siguro yun yung mga body guards ng lalaking ito. Umabot ng limang minuto ang palitan ng bala, nanlaban pa yung lalaki. Ng tumahimik na ang lahat at nahuli na yung head ng sindikato, tsaka lang ako natauhan na nakayakap pa pala ako sa kanya. Bigla ako nakaramdam ng hiya kaya naman bumitaw nako agad, alam ko na ganon din si May. Mabilis syang umiwas ng tingin sakin at inabot yung booklet kay Ryan.
Sa sobrang tuwa ni Ryan, nayakap nya si May.
"Ehem!" inalis ko agad sa pagkakayakap yung dalawa tsaka ko binalot ng jacket si May.
"Salamat sa tulong ninyo" pasasalamat ni Ryan habang isa isang itinuturo sa ibang pulis ang mga damit na kunin sa gamit nung lalaki. Sandali pa ay nakapamewang syang humarap samin,
"Si Che? Nahanap naba?" , ano ba naman yan, nawala na sa isip ko yun a!"Hindi pa. Binilinan ako ni Lance na maghintay ng signal mula sa button ni Che pero wala akong nareceive. Di ko na alam kung nasan yung dalawa" ano na kaya ang nangyare kay Che? Sana okay sya. Sa pagkakaintindi ko, sya ang huli sa lahat ng bahara. Kapag nawala sya, pati kami ay otomatikong maiilimita.
Lumabas na kami, nagkakagulo na sa labas. May mga reporters na din at napakainggay na ng lugar.
"Subukan mo ulit na tawagan sila" suhestyon ni May. Sinubukan kong tawagan si Che pero walang sumasagot, patay ang telepono.
"Di nasagot e." mahinahon kong sagot.
"sino tinawagan mo?" nakayuko parin sya na halata ang pag-aalala.
"Si Che" dadamayan ko sana sya sa kalungkutan nya ng bigla bigla binatukan ako ni May pagkasagot ko. Yung lakas ng babaing to out og nowhere kung sumulpot e.
"Wala naman dalang cellphone yun! San non isusuksok yun sa damit nya, si Lance ang tawagan mo!" Aba oo nga no, nakabra nga lang pala yun. Di ko naisip yon. Tinawagan ko na si Sir, sinagot naman nya agad.
"Wala si Che, di ko sya nahabol!" sigaw nya. Parang hingal na hingal sya sa pagsagot ng telepono. May gulo kaya?
"Ha? Nahabol? Anong nangyare?" Inulit ko lang yung sinabi nya, nahabol? may kumuha kay Che?!
BINABASA MO ANG
Death Game
Mystery / ThrillerSa dami ng kasamaan sa mundo, ano nga ba ang pinaka mabigat? A group of friends decides to travel to an infamous haunted house with a rumoured tragic past, which they thought could be a fun place to hang out to. But what they didn't know is there'll...