Chapter 8

63 6 5
                                    

Itian's POV

Napakasarap ng tulog ko, minsan lang to inistorbo pa. Biglang nagring yung phone ko sa may ulunan ko, nagkakamali pako sa pagkuha ng cellphone sa side table dahil sa kaantukan, "hello?" pilit kong sinagot ang tawag kahit na nakapikit pa, at tulog pa ang diwa. Pero agad akong napabalikwas sa kama sa narinig ko "Ano?! Pano? Kailan?" hindi pa manlang nakakapag inat ay tumakbo na ko papunta sa banyo para magbihis.

Tumawag si Che sakin para ibalitang nawawala si Ana. Tinawagan daw sya nung nanay ni Ana para itanong kung alam nya ba kung nasan si Ana.

Pagdating ko sa bahay nila Ana naandon na sila Che, Ian, sir David at si Jacob. May mga tanod din sa paligid, nilapitan ko na sila para malaman ang nangyari. "ano na daw? asan daw si Ana?" tanong ko ng biglang lumapit ang nanay nito at sinampal si Che.

Agad namang kinuha ni Sir David si Che. "Sabihin mo, anong ginawa mo!" nanginginig si Che at nagsisimula na din syang umiyak.


"Tita ano pong sinasabi nyo?" tanong ko.


"Sya! Sya ang huling tinuturo ng anak ko bago sya nawala. At alam ko na yung iba ay ganon din. Mamamatay tao ka! Criminal!" muling sinugod ng nanay ni Ana si Che pero this time niyakap na ito ni Sir kaya naman di na sya nasaktan.

"Wala po akong alam, maniwala po kayo" humahagulgol na sa pagiyak si Che. Kaya naman hinila na sya ni Sir at umalis. Nagulat naman sila Ian sa ginawa ni Sir.

"Mga pulis! Ayun yung criminal! Habulin nyo!" biglang sumigaw yung nanay ni Ana. Lahat kami nataranta. Pinapunta nya si Che dito para ipahuli, matalino din tong nanay ni Ana.

Sinundan naman agad ng mga pulis sila Che, sana di sila maabutan. Nung kami-kami nalang ang magkakasama biglang nagbago yung ekspresyon sa muka ng nanay ni Ana. Itinapon nya yung mga libro sa basurahan atsaka kami nginitian. "Tita ano yun? Pinain nyo si Che?" galit na sigaw ni Ian.

"hindi ko hahayaan na masira ang pangalan ng pamilya namin. Mas mabuti nang maging biktima kaysa maging salarin. Hindi nyo kilala ang anak ko"

Si Ana? Anong?

Pumasok na sya sa loob, ibinaling ko ang tingin ko sa mga libro sa basurahan, nakita kong may nalaglag na karton. Teka, baraha.

Kinuha ko yun agad, nung isang beses nagtatanong sakin si Che tungkol sa mga baraha. Violet Crown. Ito yung kay Ana. Anong ibig sabihin nito? E kanino tong isa? Blue Goat. Ha?

"Sinasabi ko sayo, hindi sya!" muling pagbabanta ni Ian kay Jacob.

"uy ano bang pinagsasabi nyo?" nilapitan kona yung dalawa ng marinig kong sumigaw si Ian. Kitang kita ko yung galit ni Ian samantalang kabaliktaran non si Jacob. Napaka kalmado nya, nakuha nya pang ngumiti na syang lalong ikinainis nung isa. Para bang may ibang ibig sabihin ang mga ngiti nito para kay Ian.


"yung kaibigan mo, kailangan ata ng pampakalma, baka makapatay yan" pangaasar ni Jacob sabay tapik sa balikat ni Ian.

Huminga lang ng malalim si Ian, isang mabigat at malalim na buntong hininga. "Ian? ano bang ibig nyang sabihin?" tanong ko.

"wala. Sadyang hindi lang kami pwedeng magkasama" sagot nya sabay alis.

Umalis na kaming tatlo, mukang maling nagpunta pa kami don. Maling mali.

Che's POV

Hinahabol parin kami ng mga pulis, bakit ako? Anong ginawa ko? Wala naman akong kasalanan!

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon