Chapter 11

62 6 1
                                    

Lance POV

Nasa kabilang kwarto lang si Che, di sya pwedeng umuwi dahil technically wanted sya. Delikado para sa kanya ang bumalik kaya naman nagstay muna kami sa isang motel.

Di naman lahat ng napasok sa motel e ganon nga ang ginagawa. Minsan natutulog lang talaga.

Patuloy lang ang pagbuntong hininga ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko, minsan sumasagi sa isip ko na ngayon ay opisyal nakong sangkot sa gulong ito. Sa dulo ng lahat ng to ay may kasalanan na din ako. Naging alagad pako ng batas kung di ako susunod sa batas na ipinatutupad ko, pero may sarili akong paniniwala e. Naniniwala akong tama ang ginawa ko pero nakakaramdam na ko ng takot sa bawat hakbang ko. Pakiramdam ko ay napakalapit nalang samin ng mamamatay tao. Isang maling lakad ay maaari akong mamatay.

Sinubukan ko ulit tawagan si Jacob, kailangan ko ng mata sa mga naiwan namin ni Che. Kaso di ko sya makontak. Nung gabing naghiwalay kami ay di ko na sya ulit nakita o nakausap.

Wag naman sana.

Nakakapagod ang araw na to, ang daming nangyari. Ang dami kong narinig na malalalim na salita. Halos di na nagpoproseso ng tama ang utak ko.

"kilalanin ang totoong demonyo, alamin ang kaibihan ng tao at pekeng santo. Yan. Yan ang makakatulong sa inyo"

Ang totoong demonyo, tao at pekeng santo? Kung ang tinutukoy na demonyo ay ang killer ibig sabihin kailangan makilala ang tunay na killer which is yung may kapit ng Death Card, at ang may kapit non ay si Ian.

Sya ang tinutukoy na demonyo...

Sya ang dapat namin bantayan, sya dapat ang maparusahan. Pero ang sabi kasi "Laro ito ng mga demonyo. Walang hustisya sa batas nila."

Walang hustisya ibig sabihin di uubra ang batas dito? Walang magaganap na pagbabayad ng kasalanan. Hindi ko makukuha ang hustisya na hinahanap ko?

Laro ng mga demonyo... Pilit kong iniintindi ang lahat pero parang pagulo lang ng pagulo ang lahat.

"Sa larong pinasukan mo, ang mas ang nananalo"

Mas ano? Mas makasalanan? Mas demonyo? Meron ba nun? Meron bang level ang pagiging demonyo? May bahagdan ba ang kasalanan?

Si ate... Parang dead end na. Nawawalan nako ng pag-asa.

"Namatay sya dahil may kasalanan sya. Sumali sya sa laro"

Anong kasalanan mo ate? Anong ginawa mo?

Rhiza's POV

Sa sulok ng napakalaking silid na walang ibang laman kundi isang kama ay nandon nag-iisa si Rhiza. Walang kibo, nakatingin sa malayo, umiiyak.

[Year 2009]

"Woooooooo! Sarap ng hangin!" Masayang sinasalubong ni Felicidad ang hangin habang sakay sya ng umaandar na sasakyan. Di maipinti ang kasiyahan ng bawat isa, daig pa nila ang mag-iibang bansa.

"Oy research po ang ipinunta natin dito" pagpapaalala ni Camilla sa mga kasama.

"Wag kang kill joy Camilla, minsan lang to! Atsaka kahit na research ang pinunta natin dito pwede naman tayo sumegwey ng lakwatsa diba?" masayang sagot ni Felicidad na patuloy parin sa pagsasaya sa bintana.

"Mag-ingat ka naman baka mauntog ka" natatawang paalala ni Adi sa kaibigan habang nagmamaneho. Masaya ang araw na iyon para sa kanila.

Hanggang sa sumapit ang gabi.

"Malayo paba?" tanong ni Felicidad na mukang ubos na ang enerhiya sa katawan.

"Ayan kasi dapat tinipid mo yang energy mo. Tamo muka kang lantang gulay jan. Malayo pa tayo" pang-aasar ni Adi na saglit na sumilip sa likod.

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon