Chapter 6

46 4 2
                                    

Ian's POV

Hindi ko ginustong madamay siya pero hindi ko rin sya kayang ipagtanggol sa mga oras na to. Wala akong kakayahan para gawin yun, ang magagawa ko lang sa ngayon ay ang siguraduhing ligtas sya at ang mapabilis ang pagiimbistiga.

Pumwesto nako sa kaliwa, sa may poste ng gymn para daw maagaw ang atesyon ng mga pulis ng sa ganon ay makapasok si Che, ginawa ko naman. Sumigaw ako, pero di ko naman akalain na sya ang lalapit.

"Anong ginagawa mo?!" galit sya sakin. Pero wala akong pakielam, handa naman akong tumulong pero hindi para ipitin ang babaeng pinakamamahal ko.

"Nag-iimbestiga" matapang na sagot ko.

"Hindi mo ba naisip na kapag lalo syang lumapit ay magkakaroon sya ng pagkakataon na manipulahin ang lahat?!" simula nung una ay lagi na nyang ipinagdidiinan sakin yan, pero hindi ako naniniwala. Hindi sya!

"Ilan beses ko ba dapat ulitin sayo na hindi sya yon! Humahanap din kami ng impormasyon, dapat nga matuwa ka pa e!" di ko naman ginusto na ako ang ipain nila.

Umalis na sya, para balikan si Che at si Sir. David na ngayon ay pinagmamasdan na ang ulo na natagpuan sa campus. Hindi ko na sya napigilan, wala nakong nagawa.

Nung araw na pinatawag ako sa office kasama ang mga magulang ng mga nawawala kong kaibigan ay kinausap nila ako. Nakita ko si kuya, sya pala ang may hawak ng kaso namin.

Oo, kapatid ko sa ama ang imbestigador na humahawak sa kaso ng pagkawala ng mga kaibigan ko. Kinausap nila ako dahil sa gusto nilang magmanman ako sa ikinikilos ng mga kasama ko.







Si Che.



Si Che ang pinaghihinalaan nilang may kagagawan ng lahat, sinabi daw yon ng mga kaibigan ko bago sila nawala. Ang pinagtataka ko ay pano nangyari yon? Bakit si Che? Malayong sya ang salarin.

Base sa mga paliwanag nila ay pangalan daw ni Che ang binabanggit nila nung huling beses nila itong makasama. Kaya ngayon, gusto nilang alamin ko ang totoo sa pamamagitan ng pagbabantay sa ikinikilos ni Che.
Kaya naman hindi ako umaalis sa tabi nya, hindi dahil sinusunod ko sila Kuya kundi dahil gusto ko syang protektahan. Alam kong hindi lang ako ang mata nila, madami kami.

Muli kong hinanap si Che, pero wala na sya. Mukang nakatakbo na, mabuti naman. Nagdatingan nadin sila Jacob at Ichan.

"Asan si Che" tanong ni Jacob sakin.


"Hindi ko alam"



Nung una palang, hindi nako nagtitiwala sa kanya. Malakas ang kutob ko isa sya sa mga kasabwat ni Kuya. Mali bako? Mali bang kontrahin ko ang batas na mahuli ang salarin? Mali ba? Mali bang protektahan ang babaing pinakamamahal mo?

"Hahanapin ko sila!" sigaw ni Ichan na akmang patakbo na palayo para hanapin sila.

Kami nalang dalawa ni Jacob ang naiwan, gusto kong magtanong. Gusto ko syang komprontahin pero natatakot akong baka tama ako, pano kung kasama nga sya ni Kuya?



"Tsk" tumalikod sya sakin.

"Jacob" di ko na napigilan ang sarili ko. "Bakit ka sumama samin?" tanong ko sa kanya. Siguro dito ko sisimulan. Lumapit sya sakin at tinitigan ako, para bang alam nya ang bawat kilos ko.


"Gusto ko" nagpintig ang tenga ko sa sagot nya. Sa sinagot nya parang sinabi na din nyang may alam nga sya.

"Wag mo kong ginagago, alam kong may rason ka" Hinatak ko sya sa kwelyo at inambahan ng suntok pero wala akong nakitang kahit anong bakas ng takot.

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon