Itian's POV
Kahit kailan talaga ang babaing yon! Ano naman gusto nyang sabihin? Na wala akong naitulong ganon?!
"Tian!" sigaw ni Jacob na sumunod pala sakin. Kita ko parin ang ilang sugat nya. Ano kayang nangyari sa kanya? Pano sya nagkasugat-sugat?
"San ka pupunta?!" tanong nya sakin na sinasabayan lang ako sa paglakad."Aalis. Basta lalayo lang ako saglit. Nawala na yung antok ko." sagot ko sa kanya. Nakakainit ng ulo ang babaing yon kahit kailan, hindi talaga ako magkakagusto sa kanya.
"Sino ba yun?" tanong nya sakin.
"Girlf-- pinsan ni Pat. Sumama satin akala nya siguro mga detectives kami na sasamahan nya para masolve yung kaso ng nawawala nyang pinsan, anong akala nun samin? Tsk! Sya naman ang nagkusang sumama a, pinilit ba namin sya?"
"Gusto mo sya no?"
Gusto?! Ano?! Anong pinagsasabi nito. Di ko gusto yun no! Bat ko naman sya magugustuhan.
"Hindi no! Eww" sagot ko sabay lakad ng mabilis.
San nga bako pupunta? Nagwalkout ako di ko naman alam san ako pupunta.
Napahinto ako ng matanggal ang sintas ng sapatos ko, yumuko ako para itali yon ng may mapansin ako sa may harapan ko.
Anino?
Panong-?
Taliwas sya sa dapat na pwesto ng anino ko.Tumingin ako sa paligid ko para tignan kung kanino yung anino, malayo naman si Jacob at nasa likod ko ito, wala namang ibang tao kanino to?
Muli ko itong tinignan, wala na.
"Jacob nakita mo yun?" sigaw ko ng di nililingon si Jacob.
"Sabihin mo sa kanila ang laro" isang malamig at pamilyar na boses ang nagsalita sa may tenga ko. Nanindig ang buo kong katawan. Maaga pa pero kinikilabutan na ako. Hindi ako makalingon sa takot na baka kung ano ang makita ko.
Malapit lang sya sakin. Nasa likod ko lang sya.
Nakakaramdam ako ng kuryente na parang papalapit ng papalapit sa katawan ko, "anong meron?" patalon na palabas ng dibdib ko yung puso ko ng hawakan ako ni Jacob sa balikat.
"Wag kang ganon! Natakot ako!' paninita ko sa kanya na halatang walang alam sa sinasabi ko.
"Ha? Ano ba yun?" tanong nya ulit.
"Nakita mo ba yung anino?" tanong ko sa kanya sabay turo sa harap kung saan ko nakita yung anino. Tinignan nya ang buong harapan, maging sa tagiliran at likudan, pero wala na.
"Ang init oo pero wala! Ayan paa mo meron, pano nangyari yon?" Sabay turo sa maliit na aninong meron ako. Kinikilabutan parin ako, ano yung nakita ko? Bat ako lang nakakita?
At anong sasabihin ko?
"Wala wala. Baka antok na ko. Magdamag akong gising" niyaya ko na sya umuwi para makapagpahinga. Baka guni-guni ko lang. Tama. Wala lang yun.
Naglakad na kami pabalik sa bahay. Kailangan ko lang siguro magpahinga. Ilang minuto pa'y nakatanggap ako ng text message mula kay Mrs. Valdellon.
[One messaged received]
Mrs. Valdellon: Graduation program will be held on Friday noon, don't be late. Ikaw lang at si Ms. Uriza ang wala sa meeting kanina.
BINABASA MO ANG
Death Game
Mystery / ThrillerSa dami ng kasamaan sa mundo, ano nga ba ang pinaka mabigat? A group of friends decides to travel to an infamous haunted house with a rumoured tragic past, which they thought could be a fun place to hang out to. But what they didn't know is there'll...