Chapter 12

73 6 3
                                    

Itian's POV

Asan na kaya sila? Gagraduate na kami pero sila MIA parin, as in missing in action.

Totoo kaya na patay na sila?

At sino namang papatay sa kanila? Si Ian? Totoo kaya yung mga narinig ko?

Mababaliw nako! Gusto ko lang naman makagraduate e!

Isa isang nangawala mga kaibigan ko, tas sunod sunod ang dagsa ng mga kaso. May namatay pa sa campus, pano kung may serial killer talaga na gumagala sa paligid?

Base sa mga napapanood ko sila yung mga wala sa sarili tas papatay nalang kapag tinamaan ng topak. Nako! Pano kapag may isang tamaan ng topak tas nasa paligid nya lang ako.

*kring kring

Ay putakte! Yung puso ko!

Inabot ko na yung cellphone ko sa may side table. Si Che, tumatawag.

"Hello?"

"Itian! Kailangan natin magkita. Message ko sayo kung saan at kailan, bring your card"

Jusko! Para naman kaming sasabak sa gera nito.

Bring your card? Bakit kaya nila ako tinanong about sa card last time? Anong meron dito!

Kinuha ko yung mga cards na kapit ko at pinagmasdan sila. "Anong ginawa nyo samin?" para nakong timang at kinakausap ko tong mga baraha.

Habang pinagmamasdan ko yung baraha may napansin ako. May sulat?



TEKA!


MAY SULAT NGAAAAAA!

Hinanapan ko ng sulat yung dalawa pang nasakin pero wala, yung akin lang. Napaka shonga mo talaga Itian! Bakit di mo to nakita!

*kring kring

May natawag na baka si Che! Agad akong bumalikwas para kunin yung phone ko, nangangatog pako sa nakita ko!

"Hello Che! M-a... may nakasulat sa likod ng card ko!"

"Hello?" napatigil ako ng di pamilyar na boses ang nagsalita.

"Sino to?"

"Ah? Si Kristian po ba ito?" malumanay syang magsalita. Sino kaya to?

"Ah? Yes. Sino sila?"

"Pwede po ba tayong magkita? May kailangan kayong malaman tungkol kay Pat" Si Pat? Di kaya nakita na sya? Pero pano si Che? Kailangan na din nya tong makita.

Ano Itian tapang kana ngayon? Solo mode ka? Ah ah!

Kung umuuwi lang kasi tong si Jacob edi sana may kasama ako tutal chismoso naman yun. Baka nambababae nanaman yun a. Tssss!

Tawagan ko kaya? Kaso baka babae ang sumagot e.

Bahala na ngaaaaa! Dinial ko na yung number ni Jacob...

Ayan nagring na!

Sumagot... Sumagot!

"Hello? Jacob? Cob! Asan kana! Yung cake na binili mo panis na kaya kinain ko na a. Yung ulam din na dinala ng babae mo nagalangan ako baka mapanis kaya ayun. Hehe ubos na. Naisip ko lang kasi baka ano, masayang. Okay lang naman diba?" napahinto ako sa isang malakas na kalabog na sinundan ng mabibigat na hinga.

"Jacob?"

Sa di ko maipaliwanag na dahilan, bumilis ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako. Nagtayuan mga buhok ko sa katawan.

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon