Chapter 21

36 5 1
                                    


Tahimik ang gabi, malamig ang hangin at tanging mga dahon lang ang makikita sa daan.

Ganyan ang bumungad sakin, sinubukan kong maglakad, kahit takot. Hindi ko alam kung anong mangyayare, bakit ako mag-isa o san ba talaga ako pupunta.

Sa gitna ng katahimikan at malalim kong pagiisip, may sumigaw.

Sinundan ko ang pinanggalingan ng ingay at doon ko nakita ang dalawang babaing nagtatalo. Sa isang madilim na sulok ng eskinita.

"Malande!" sigaw ng isa habang hinihila ang buhok nito.

Agad kumuha ng bato ang babaing nakatayo at ipinalunok sa babae sa sahig.

Di ko alam ang gagawin ko, ngayon lang ako nakasaksi ng ganito. Makikielam na sana ako pero para akong napako, di gumagalaw ang mga paa ko.

Pinagsasampal ng babae ang isa pa, saglit itong tumayo, naiwang hinang hina ang babae sa sahig. Duguan at may punit na sa bibig.

Nakita nya ko!

"Tulungan mo ko" bulong nya, gusto kong tumulong pero di ko magawa.

Bumalik ang babae na may dalang itak. Anong gagawin nya?! Nanlilisik ang mga mata nya, para syang hindi tao, ramdam ko mula sa kinatatayuan ko ang galit nya sa babae sa sahig. 

Kumakabog ang dibdib ko, bakit ba ayaw gumalaw ng mga paa ko!

Malapit na sya.

"Wag!" sa pagsigaw ko ay para akong nakikipagtalo sa hangin, walang tunog na lumalabas sa bibig ko. Anong nangyayare sakin?

Itinaas ng babae ang itak at iniamba sa kamay ng dalaga sa sahig, wala syang awa. Ni hindi sya nagdalawang isip at pinutol ang braso ng biktima.

Sumirit ang dugo mula sa kanang kamay ng babae, wala syang magawa kundi ang sumigaw. Inihagis ng babae ang kamay sa may kinaroroonan ko at duon ko nakita ng malapitan ang isang brasong hiwalay sa katawan, nakakadiri! Nakakakilabot, nauubusan nako ng hininga. Hindi ko maiwasang di makita ang singsing na pamilyar sakin na suot ng kanang kamay.

San ko ba to nakita?

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa dalawa, iniisa isa ng babaeng nakatayo ang bawat parte ng biktima, matalino sya. Sinigurado nyang mararamdaman ng biktima ang bawat hagupit nya.

Gumalaw ka! Galaw! Pilit kong nilalabanan ang sarili ko pero walang nangyayare!

Hanggang sa ang natira nalang ay ang ulo, isang taas ng itak at bwelo.

Natapos ang maitim na gawain nya, saglit syang tumahimik habang tumutulo mula sa damit nya ang dugo ng kanyang biktima.

Di ko akalain na may ganto sa totoong buhay, sa mga pekikula ko lang nakikita ang ganitong eksena. Mala saw at hostel ang datingan ng galaw nya.

Muling tumayo ang babae at inihagis ang itak na kapit nya.

Tumama sa muka nya ang liwanag ng buwan, unti-unting nabunyag ang katauhan ng babae.

Mula sa kanyang mga mata, na matalim ang pagkakatitig sa biktima.

Bibig na walang humpay ang mabibigat na hinga.

Kilala ko sya.

Sa isang kisap mata, lumingon sya sa kinaroroonan ko.

Hindi ako makahinga, sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako makatakbo, ni hindi ako makahingi ng tulong.

Muling umihip ang malamig na hangin, nawala ang babae sa harap ko at naiwan ang pira-pirasong parte ng katawan ng biktima.

"Sabihin mo ang laro!" nanlamig ako sa galit na sigaw sa tenga ko.

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon