Chapter 2

55 4 1
                                    

Che's POV

Si Pat? Sa tagal naming magkakaibigan bakit hindi namin nalaman yun? Oo alam ko na mejo may side sya na kire pero di ganon. Tatay nya? Nagpapasarap?

Paulit ulit parin sakin ang mga sinabi ng ate nya. Nababaliw nako. Bakit ba sya nawala? O san sya nagpunta?

Nung friday daw. San ba kami non?





Flashback

"alam nyo ba kung anong araw ngayon?"

"October 27, 2019. Bakit?" tanong ni Pat.

"hindi yun! 10 dekada na ang nakalipas nung mawala yung mga seniors, balita e pinatay daw silang lahat" sagot ko. Sinimulan nila ang paguusap tungkol sa multo kaya naman naisip kong ikwento sa kanila ang alam ko.

"Ah oo alam ko yan! Yan yung pinaguusapan taon taon na dahilan kung bakit nagkaissue ditto sa school. Nung nawala daw kasi yung mga seniors sumugod yung mga magulang ditto. Anlaki daw ng nagging gulo nayon" pagsegunda ni Ichan.

"Alam na ba kung sinong may gawa?" tanong ni Ana na nakikinig pala.

"ang sabi nila, hindi daw tao. Multo." Tahimik lang ang lahat, sinubukan ko pa ngang magbiro na nananakot ako.

"Ayan, bagay nga kayong magkasama ni Ichan. Pareho kayong naniniwala sa multo. Anong petsa na." pambabara ni Jerome sakin,kaya naman pinalo ko sya agad ng notebook sa braso. Nagsisimula ng tumahimik ng lugar, isa-isa ng lumalabas ang mga tao para magtanghalian hanggang sa kami nalang ang maiwan.

"Bakit? Tingin mo ang multo nawawala kapag natanda ka?" sabat ni Jinky sabay irap kay Jerome na agad namang inawat ni Pat.

"saan ba nawala? wala bang nakuhang lead ang mga pulis?" tanong ni Micah sabay subo ng kinakain. Unti-unti ng sumiseryoso ang usapan.


"sa Sta. Lucia"


"san yun?" tanong ni Pat. Isa-isa na silang nagpapakita ng interest na usapan.

"Ang alam ko, lilib daw. Narinig ko na yung lugar na yun e. Maliit lang yun, parang isang baryo lang ganon. Puntahan natin?" si Ian.

Pero tulad ng lahat ng mga magkakaibigan, may tututol at tututol sa plano "NO! Ayoko nga. Pano kung totoo yun. pano nga kung totoong may multo dun!" takot na pagsabat ni Pat.

"Edi lahat tayo mamamatay" pabulong na sabi ni Ian sa tenga ni Ichan. Agad namang nanlamig si Ichan sa ginawa ni Ian kaya tinulak nya ito palayo. Nagtawanan lang ang lahat sa naging reaksyon ni Ichan.

"Babe, walang gagalaw sayo dun, ako lang" malanding sabi ni Jerome sa nobya sabay kindat.

"Ano tara?" ang hudyat na hinihintay ng lahat ay nagmula kay Jinky.

"teka nga, ibig nyo bang sabihin e di kayo papasok para puntahan yan?" matapang na tanong ni Ana.

"minsan lang naman atsaka last nato, sumama kana." pamimilit ko sa kanila.

"pero kasi..." bago pa man makapagsalita si Ana ay sumabat na si Ian, "sumama kana". Parang naging maamo si Ana ng makitang nakatingin sa kanya si Ian. At mula sa kawalan ay pumayag ito.



"This will be so much fun"



Agad na nag-ayos ng gamit ang lahat, desidido na silang umalis. Tahimik kaming lumabas ng campus para walang makapansin na wala kami sa susunod na klase. Bago makalagpas sa gwardya ay muntikan pang mahuli si Ichan buti nalang at mabilis kumilos si Ian at nahila nya ito. Walang pag-aalinlangan ang lahat na pumunta sa Sta. Lucia. Kahit na wala kaming alam kung ano ang naroroon.

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon