Che's POV
Umaandar, hangin, nasan ako?
Pagmulat ko ng mata, nakita ko ang langit. Nakakasilaw, ang liwanag. Nasan ako? Ngayon lang pumasok sa utak ko na bumabyahe pala ako. Tinignan ko ang nagmamaneho ng saksakyan. "Sir?" laking gulat ko ng makita ko sya sa drivers seat. "Anong?, pano ako, bakit, pano ako nakalabas?" di ko malaman kung san ako magsisimula. Nauutal ako. Masaya na natatakot.
"Itinakas kita, binayaran ko yung mga pulis na nagbabantay sayo" natahimik ako. Hindi nya ako tinitignan.
"Pero bakit?" tanong ko. Di ko magawang maging masaya matapos kong malaman na takas ako. Hindi ito kalayaan, mas lalala lang ang sitwasyon.
"Dahil naniniwala akong wala kang kasalanan" nanlambot ako sa mga sinabi nya, nakakatuwang isipin na may isang taong naniniwala sakin.
"San tayo pupunta ngayon?" tanong ko.
"Maghahanap ng sagot, pupuntahan natin ang mga kaibigan mong nawawala. Iisa-isahin natin at susubukan pagaralan ang lahat" tinignan nya ako at nginitian. Pwede bang bumalik nalang ako sa umpisa, nung wala pa ang lahat ng to. Nung wala pang gulo, para pwedeng maging tayo.
"Sana pwede kong irewind ang lahat"
Kinapitan nya lang ang kamay ko, kahit wala syang sabihin ay alam ko na ang gusto nyang iparating. Nararamdaman ko na ligtas ako kapag kasama ko sya, alam ko sa sarili ko na walang mangyayaring masama.
Pagdating namin kela Micah, napakagulo ng bahay. Walang ibang tao. Ang alam ko wala naman pamilya si Micah e. Pumasok na kami kahit walang abiso sa kahit na sino, wala nakong pakielam na makulong naranasan ko na e. Dumiretso kami sa kwarto baka sakaling may makuha kami don. Kung anong kalat sa labas ay doble sa loob, napakaraming damit na nakakalat sa sahig. Ngunit parang hindi kanya...
Mga maiiksing short, tibak? At mga sexy na damit ang nandito. Kanino to? Di naman ganito ang kilala kong Micah. Mas lalaki pa sa lalaki yun, nagbuklat ako ng mga drawer hanggang sa makita ko yung cellphone nya. Binuksan ko iyon at doon ko nakita ang laman, numero ng mga lalaki. May isang pangalan duon na nasa recent calls nya kaya naman tinawagan ko ito.
"Sino yan?" lumapit naman agad sakin si Sir. Da-, Lance pala. Ayoko munang ungkatin ang nagyari, pero gusto ko paring malaman kung sino sya.
"Hello?" ilang segundo na ay wala paring nagsasalita.
"Oy babae! Mga customer mo nagagalit na! Last time daw yung koreano e iniwan mo nung umaga! Gaga ka!" isang bakla ang sumagot. Customer? Ano?
"Pasensya napo, pero sino to?" tanong ko sa kabilang linya.
"Sino kaba? Asan yung gagang babaing yon? Si Micah!" sigaw nito.
"Hinahanap ko din po, sino po ba ito?" kailangan mong sumagot!
"Ako yung may-ari ng club na pinapasukan nya. Pakisabi pag nakita mo sisante na sya! Haliparot na yon!" Teka... Si Micah? Nagtatrabaho sa bar? Hindi ko maintindihan. Parang lahat ng nakikita ko ay kabaliktaran sa katotohanan, si Pat, si Jerome, Jinky at ngayon si Micah.
"Tignan mo to" tinawag ako ni Sir na nasa isang sulok ng kwarto. Di ko alam kung pano sya tatawagin, sir o Lance. May kirot sakin ng malaman kong isa sya sa mga naghihinala sakin pero di ko rin naman maalis sa isip ko na tinulungan nya ko. Sya parin ang naglabas sakin sa kulungan, sya ang kasama ko ngayon.
Nilapitan ko sya. At duon ko nakita ang kapit nya, dalawang baraha. Pinagmasdan kong mabuti ang mga ito, isang saranggola at alahas? A green kite and a yellow jewelry. Tarot ba to? Parang hindi naman. Kung titignan ay para lang talaga syang ginuhit. Hindi sya mukang disenteng baraha. Imposible na may kinalaman to.
BINABASA MO ANG
Death Game
Mystery / ThrillerSa dami ng kasamaan sa mundo, ano nga ba ang pinaka mabigat? A group of friends decides to travel to an infamous haunted house with a rumoured tragic past, which they thought could be a fun place to hang out to. But what they didn't know is there'll...