Chapter 16

65 6 1
                                    


Che's POV

Makikipagkita kami ngayon sa kaibigan ni Lance, si Ryan.

Naiwan sa bahay si Ms. Espiritu, si May naman at si Itian umuwi saglit para kumuha ng mga gamit.

Pinapunta nila kami sa isang lumang bahay sa kabilang bayan. Maliit lang ang bahay, makalat ang paligid at maraming sirang kagamitan. Mukang talyer ata.

Lumabas ang isang lalaki, si Ryan. "Pasok" bati nyaaa.

Pagpasok namin sa loob, isang napakagandang opisina ang bumungad samin. Matindeee!

"Welcome Che. Dito ako lagi kapag kailangan kong magisip" tinignan ko si Ryan. Sya yung tipikal na pulis na mapapanood mo sa mga action movies, mala Robin Padilla at Kier Legaspi.

"Nanjan na pala kayo" isang pamilyar na pagmumuka ang lumabas mula sa kwarto. Awtomatikong uminit ang ulo ko at tumaas ang kilay ko.

Wala nanaman syang pantaas na suot. Walang pambile?!

Nilapitan sya ni Lance, napatigil ako at inintay ang susunod nyang gagawin. Nagbeso sya dun sa babae at kinamayan si Ryan. "Buti nalang di kayo umalis dito" bati nya.

"Kilala mo na pala sya?" sabi ni Ryan sabay turo dun sa babaing di maalam magdamit.

"Oo. Nakapagusap na kami"

Magkakilala sila?

Unti-unti akong nilapitan nung babae, "Hi, nice seeing you again" sabay abot ng kamay. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Hindi naman ako mapanlait o kung ano, hindi lang talaga maganda ang naging una naming pagkikita.

Lumapit samin si Lance at inakbayan ako, "Sya si SPO2 Alex Ramirez, working under Investigative Services Division. Pinadala sya para tulungan si Ryan." paliwanag ni Lance. So pulis pala sya. Sige. Okay nako.

"Sergeant Ryan Ramirez, nice to meet you"

Napalilibutan ako ng mga pulis, e wanted ako. Dapat bakong kabahan?

"Huhulihin ko na ba sya?" napatingin ako kay Rachelle ng sabihin nya yon na tinawanan lang nung dalawa. Seriously? "Binibiro lang kita, you see cleared na ang pangalan mo pero kailangan nyo parin ayusin ang records kasi tumakas kayo" Pano nya nalaman?

"Salamat. Kailan mo inayos?" tanong ni Lance habang papaupo malapit kay Ryan.

"Kagabi lang din. Inutusan ako ni Ryan" sagot ni Rachelle.

"Wala kang galang a" biro ni Ryan.

"Maupo kana. Marami tayong dapat pag-usapan" di parin nalamig ulo ko sa babaing to. Kahit pulis pa sya no.

Kung titignan sila parang ang dalas na nilang ginagawa to. Para akong nanonood ng action movies nila Bong Revilla kapag may scenes na nagpaplano sila. Naupo sa harap namin si Rachelle, katabi nya si Ryan.

Hinubad ko naman yung jacket na suot ko kanina papunta dito para di sya ganon ka-expossed at inabot sa kanya, "baka lamigin ka". Inabot naman nya sabay tawa.

"Pano kayo nainvolve kay Micah?" tanong ko. Sya parin ang main reason bat ako nadamay sa mga pulis nato.

"Bago lang si Micah, siguro wala pang isang taon. Ako ang nagsilbing guardian nya sa loob. Kailangan sa club kung bago ka may isang senior na kakapit sayo para turuan ka. At si Ryan ang customer nya"

Customer? Yung koreano? Sabagay muka naman. Maputi, singkit, gwapo, atsaka mukang matalino.

"Teka, kung ikaw ang customer ni Micah, ibig sabihi-" bago pa man matapos ang tanong ko ay sumagot na si Ryan.

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon