Chapter 4

101 7 1
                                    

Itian's POV

Pauwi na kami ni Jacob, same kami ng apartment. At hanggang ngayon tahimik parin sya. Bat ba napaka big deal sa kanya na sumama samin?

Kilala ko si Jacob, halos sabay na kami lumaki. Sya ang dream ng lahat na maging, matalino, gwapo, mabait. Lahat ata nasa kanya na kaya nga kahit mga magulang ko sya ang pinupuri. Sya ang gusto.

Sanay ako na si Jacob ang hinahabol ng babae kaya ngayon, nagugulat ako sa ikinikilos nya. Nakita ko na inakbayan nya si Che kanina sa byahe. Di naman sya ganon e, may gusto ba sya kay Che?

Hanggang sa makauwi kami, wala parin syang imik. Kaya naman hindi ko na sya kinulit at pumasok nalang sa kwarto ko. Kailangan nya ng pahinga, kailangan ko din. Ang mapasama sa barkadahan namin ay isang napakabigat na desisyon. Minsan naiisip ko, bat nga bako napabilang sa kanila?

Iniisip ko parin ang mga nangyari kanina, at kung ano ang posibleng natuklasan nila nung wala ako. Mas malala ba?

Pinili ko nalang ipikit ang mga mata ko. Ayoko munang magisip.

Kinabukasan, wala si Micah. Bakit tuwing may aabsent sa barkadahan namin iba ang kutob ko. Wag naman sana.

"So, anong nangyari kahapon?" tanong ko sa kanila. Syempre gusto kong malaman ang nangyari no.

Nagiintay ako ng sagot mula sa kanila pero lahat sila tahimik, "uyy ano nga?" pangungulit ko hanggang sa magsalita na si Ian.

"Buntis si Jinky"

"Tang*** seryoso ba? Hala ka! Sinong jowa non? Meron ba? Bat di natin nakikita?" pano mabubuntis yun? Alangan naman nagmilagro yun at gumawa magisa.

"Itian, diba nung gabing pumunta tayo sa sta. lucia may nakita kang cards? Ikaw ang nagabot samin non diba? San mo nakita yun?" nagulat ako sa biglaang tanong ni Che na malayo sa usapan.

"Bakit anong meron?" nakakapagtaka naman tong si Che.

"Basta sagutin mo nalang"

Pilit kong inalala ang nangyari nung gabing yon, at dun ko naalala...

Flashback

Nung walang sumama sakin para mag CR kasi alam ko naman kapag si Jinky sumama sakin, aalaskahin ako kaya nagsolo nako. Nilibot ko yung bahay para hanapin yung CR. Napakalawak, at tanging liwanag mula sa flashlight ko lang ang gabay. "Nako naman, bat ba naman kasi ako nandito". Kinakausap ko nanaman ang sarili ko, sinusubukan ko kasing alisin yung takot ko kundi mababaliw ako. Okay naman lahat e ng biglang may gumalaw mula sa likod.

"Sino yan? Ian? Jerome?" ibinaling ko ang direksyon ng flashlight sa pinanggalingan ng ingay. Pero wala. Walang tao.

"Woooo. 1....2.....3....." nagsimula ng manginig ang katawan ko sa takot kaya kailangan ko na pakalmahin sarili ko atsaka ko sinumulan muli ang paglalakad. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay muling may nagsanhi ng kaluskos sa likod, at sa pagkakataong ito mas malakas na ang ingay ng mga yabag ng mga paa. Lumingon ako ulit at itinutok ang flashlight sa direksyon ng ingay. "Ian! Oy akala mo natatakot akooo! Hindi naman ako takot e" pilit na sabi sa sarili, "di ako takot, di ako takot". Bago pa man ako makaharap ay nanindig na ang balahibo ko sa buong katawan, nanigas nalang ako dahil sa malamig na hanging dumampi sa muka ko sabay ng tunog ng paghinga. "Di ako takot, di ako takot, dii... Dii.. Whaaaaaaaa!"

Sa takot ko nagmadali akong nanakbo para bumalik sa kanila ng may masipa akong isang kahon. Inilawan ko ito upang mas makita ang laman, muling humangin ng malamig sa likudan ko. Dahan-dahan akong lumuhod para makita ang laman nito. Baraha.

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon