Chapter 25

41 4 2
                                    


Che's POV

Kailangan kong kunin sa bawat isa ang mga panindi. Pero pano? Wala nga akong makita.

At kung meron man, lahat ay mga scenario lang!

"Pano? Anong gagawin ko?" si Itian ang nagbibigay sakin ng mga dapat kong gawin. Pero bago ako pumasok sabi sakin ni Itian, hindi daw sya ang nasa loob kundi ang key card.

Ibig sabihin wala akong dapat na asahan sa Itian na nasa harap ko.

"Simple lang. Magbilang ka. Banggitin mo ang pangalan ng unang maiilimita, tsaka mo buksan ang mga kamay mo. Ngunit tandaan mo, sa bawat isang panindi, may buhay ang mapapawi"

Mapapawi ang buhay?

"Anong ibig mong sabihin? Mamamatay ang babanggitin kong pangalan?"

May mamamatay? Mamamatay ang babanggitin ko? Kung ganon buhay pa sila?

"Hindi laging kawalan ng hininga ang katumbas ng buhay. At huli narin ang lahat para itanong mo pa yan. Mamili kana. Isa..."

Sa kanyang pagbibilang ay nagbago ang boses nya. Isang babae na di ko makilala. Nakakatakot, napakalalim na parang nanggagaling pa sa ilalim ng lupa.

Eto naba yung kailangan kong pumili para mahanap ang death card?! Pero alam ko si Ana na yon.

di parin pala ako sigurado...

Kailangan maihuli ko ang death card para makuha ko ang lahat ng panindi. Tama! Ganon na nga ang gagawin ko.

Pero pano kapag nagkamali ako ng pili?

Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung anong mangyayari sa taong pipiliin ko? Pano kung buhay nga ang kapalit?!

Ibig sabihin non papatay ako?!

"Dalawa..."

Parang may pumupunit sa katawan ko. Napakasakit!

"Patricia"

Kusang lumabas yan sa bibig ko, hindi ko napigilan.

Tumahimik ang paligid, ano na nga bang sunod?

Dahan-dahan kong binuksan ang mga kamay ko.

Parang mahika na may  baraha ang lumabas. Dalawang baraha na iisa ang itsura na ang kapit ko.

Dilaw na mga alahas, ano ba ang ibig nitong sabihin? May kahulugan ba ang bawat baraha na to? Pinagmamasdan ko ang mga baraha na kapit ko ng parang biglaang pagkalunod ang naramdaman ko. Natatakot akong huminga at baka lalo kong ikamatay, nagsimulang magliwanag ang paligid.

Si Pat!

Kapit ang cellphone ni Jerome, binabasa ang mga mensahe ng mga babae nito. Galit syang tumayo at kumuha ng patalim. Nilapitan sya ni May at tinanong kung san pupunta.

Sumugod sya sa school, saktong nandon pa ang babaeng pinagseselosan nya.

Sya!

Si Star!

"Waggggg!" pinagtataga nya si Star. Galit na galit sya.

Kinuha nya isa-isa ang bawat parte at itinapon ito sa magkakaibang sulok ng school.

Bago nya itapon ang kamay nito ay pinagmasdan pa nya ang singsing na nakasuot sa daliri ni Star. Yung singsing. Sinasabi ko na nga ba't kilala ko ang singsing na yon.

Umuwi sya na malinis ang katawan na parang walang nangyare, sinalubong pa sya ni May.

"San ka galing?" tanong nito pero sinasabi ng ekspresyon nya na alam na nya ang sagot.

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon